Napakabait na anak ni Isabel Oli. Halos ayaw na nitong umalis sa tabi ng amang na-comatose kahit pa naapektuhan nito ang kanyang trabaho. Gustong ibigay ng aktres ang lahat niyang panahon sa kanyang ama na sa Diyos na lamang nila iniaasa.
Mabuti naman at malaking moral support ang nakukuha niya sa kanyang boyfriend na si Gab Valenciano, malaki ang tulong nito para mapagaan ang dinadala niya sa kanyang dibdib.
Hinahangad ko na malampasan ni Isabel at ng kanyang pamilya ang pinagdadaanan nilang pagsubok.
Salamat sa suporta ng GMA 7
Bago ang lahat, gusto kong magpasalamat sa lahat ng nakaalaala sa aking kaarawan kahapon. Nung Sabado ako nagkaroon ng selebrasyon sa Walang Tulugan with Master Showman at magpapatuloy ito sa mga tatlong Sabado pang darating.
Salamat din sa mga nagpadala ng pagkain, mga bumati ng personal at maging sa video, sa mga tauhan ng GMA 7 at maging sa mga namamahala nito, sa lahat ng mga sponsors ng show na walang maliw sa kanilang tulong. Masarap mag-birthday if only for the fact na sa mga panahong ito nakikita mo kung sino talaga ang mga nagmamahal sa iyo.
Sa staff, thank you at sa pamilya ko, kayo ang pinakamahalaga sa akin. Salamat!
Sarah nagbunga ang paghihintay
Mukhang nakabuti ang pagganap ng kontrabida ni Sarah Lahbati sa Time of My Life, unti-unti na siyang napapansin at dumarami ang kanyang projects. May isang malaking serye siyang gagawin, isang revival ng isang hit movie nung araw at bida ang kanyang role.
Talagang kay Sarah, it pays to be patient. Kung nag-inarte siya’t naging mapili sa role baka hanggang ngayon hindi pa umuusad ang kanyang career.