Female TV personality suki ng mga sanglaan na bigtime

Suki na pala ng mga sanglaan ang isang TV personality. As in lahat na yata raw ng mga sanglaan na big time ay kilala na ang TV personality na ito.

Mamahalin daw ang mga alahas na isinasanla nito ha.

 Kailangan daw kasi ng pera ni female TV personality dahil sa kanyang mga negosyo.

Ang strategy daw ni female TV personality pag malapit nang maremata ang mga items niya, ililipat niya naman sa ibang sanglaan. So talagang nakakaraos daw ito na paikut-ikot na sanla.

Ang kaso may organisasyon daw ang mga may-ari ng pawnshop so nag-uusap-usap sila kung sino ang malalaki nilang client. Ayun at iisa raw ang pangalan na parating nangunguna, si female TV personality nga.

In fairness, wala sa hitsura nito ang nagsasanla ha. Kaya nga nung una ayaw kong maniwala sa isa kong friend na nagkukuwento. Pero may mga names siyang binanggit.

Well, mahirap talagang mag-judge na base lang sa hitsura.

Rugby player susubok sa showbiz!

Magso-showbiz na ang isa sa mga miyembro ng Philippine Volcanoes na si Gaz Holgate.

Kahapon ay ipinakilala siya sa ilang entertainment writers.

Pampangueña ang mother at English ang ama ni Gaz.

December 3, 1987 ipinananganak ang Welsh-Filipino international rugby union player.

Hanggang noong 2007, nakatanggap siya ng tawag mula sa mga organizer ng Philippine rugby team na sasali sa 2007 Sea Games. Qualified siya dahil nga Pinay ang kanyang nanay, si Lourdes dela Rosa

Nagtuluy-tuloy siya sa Asian Five Nations tournament noong 2008. Nanalo ang grupo nila sa Brunei. Hanggang masundan ng panalo nila sa Guam. Nakasali rin siya para sa 2009 Asian Five Nations at sa team na nag-compete sa 2010 Asian Five Nations.

Bukod sa paglalaro sa Philippine team, naglaro rin siya para sa Italy at hanggang ngayon, naglalaro siya para sa Kyuden Voltex ng Japan. Pero ang dinadala niyang international team ay ang Philippine Volcanoes.

Bakasyon siya ng dalawang linggo sa bansa. At sa maiksing panahong ‘yun, magiging busy si Gaz.

Sa Sunday nasa Party Pilipinas siya. Pero hindi niya pa alam kung ano ang gagawin niya. Hindi naman daw siya marunong sumayaw o kaya ay kumanta. O baka naman rarampa siya na naka-Bench trunk tulad ng mga kasama niya na binaklas ang billboard sa EDSA. Hindi kasi siya kasama sa nasabing billboard dahil wala siya nang gawin ang pictorial ng rugby team ng ‘Pinas for Bench.

After ng Party Pilipinas, may interview siya sa Showbiz Central.

Kaya lang may girlfriend na si Gaz.

Kahapon ay nagkaroon na rin siya ng pictorial at meron siyang pupuntahan na dalawang charitable events. Sa October 6, bibisita siya sa Buayang Bato, Mandaluyong para magbigay ng donations sa eskuwelahan at mga estudyante doon. Sa October 9 naman, magkakaroon siya ng meet and greet sa mga bata sa Child Hope Asia. Tuturuan niya ang mga bata ng ilang basic move sa rugby. Gaganapin ito sa SM Masinag at makakasama rito ni Gaz si Ogie Alcasid.

Matagal na niyang kilala si Solenn Heussaff. In fact, ito ang nag-introduce sa kanya sa manager nitong si Leo Dominguez na manager na rin niya ngayon.

Sa Ngalan… 4.3 Sa Unang Gabi

Mataas na ba ang 4.3 na rating ng Sa Ngalan ng Ina, ang mini-serye ni Nora Aunor sa TV5? Ito kasi ang overnight rating sa unang ere ng programa ng superstar.

Show comments