Kami ay natutuwa dahil pinaunlakan kami ng isang exclusive interview ni Andi Eigenmann para sa Bandila noong Lunes. Ito ang kauna-unahang live appearance ng young actress matapos mapabalitang buntis ilang buwan na ang nakararaan.
Sa susunod na buwan ay nakatakda nang ipanganak ni Andi ang kanyang baby girl.
“Masaya po ako. If there’s one word to describe how I’m feeling right now, it’s bored. Bored in a good way kasi excited na rin akong dumating ’yung November para makita ko na siya,” pahayag ni Andi.
Sa ngayon ay hindi pa ma-finalize ng young actress kung ano ang ipapangalan sa kanyang anak.
“I’ve gone through several 4D scans and ultrasounds. My baby is very much healthy,” kuwento ni Andi.
Naranasan din ni Andi na mag-crave sa ilang mga pagkain sa kanyang pagbubuntis. “Ice cream and chocolates. Sweets and sugary foods. I’m not really into those kinds of foods so I know naglilihi ako dun,” natatawang kuwento ng young actress.
Nagbigay din ng opinyon si Andi tungkol sa mga nagsasabing masyado pa siyang bata para magbuntis at magkaroon ng anak.
“I’m not saying I’m old enough but I’m not a teenager anymore, I’m twenty one,” giit ni Andi.
Ayon pa sa kanya ay hindi magiging hadlang sa kanya ang pagbubuntis para maabot ang kanyang mga pangarap. “Para sa akin po, when I entered showbiz it’s a tough industry to be part of. Ang dami ko na pong beses nakita ang sarili ko on the verge of failing and this is the first time that I assured myself that hindi ako made just to fail. I’m designed to be successful at something and if alam ko na I just have to believe in myself, go for it and as long as I’m not hurting anybody, and I just do what I love.
“Si God I know hindi naman ako pina-punish or anything. In the beginning really, well, I’m young and I didn’t really expect this to happen at this point in my life, I asked myself why, but then inisip ko walang tine-take away si God sa akin. Lahat ng mga stuff na alam kong I deserve and I wanted to achieve, I know I can still achieve them. This is not a punishment. This is a present, it’s a blessing from God and I’m very much honored,” seryosong pahayag ni Andi.
Nagbigay din ng mensahe si Andi para sa kanyang magiging anak. “No matter what happens I will always try to be the best I can be to you, and there’s nothing to worry about even if it’s just going to be the two of us because there are a lot of people there who would love you as much as I would,” pagtatapos ni Andi.
Lalong napalapit si Andi sa kanyang inang si Jaclyn Jose dahil madalas na silang magkasama sa bahay ngayon. — Reports from JAMES C. CANTOS