^

PSN Showbiz

Showbiz couple nagkasundo na tapusin na ang relasyon at walang aaminin

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles -

Mukhang totoo ang tsikang break na ang showbiz couple na ito dahil may effort sa kanila na mag-iwasan. Sa isang katatapos na showbiz happening, dapat magkikita ang dalawa pero sinadya ng aktres na dumating noong wala na ang aktor at nang tanungin kung bakit na-late, may ready answer na siya.

Bagong break pa lang ang dalawa at hindi pa nila puwedeng aminin dahil may projects pa sila na kahit magkahiwalay, makakaapekto rin sa interes ng mga fans.

Maayos ang pag-uusap ng dalawa na tapusin na ang kanilang relasyon at nagkasundo rin na wala munang aaminin sa kanila. Kung kailan nila aami­ning break na sila, ito ang pare-pareho nating aba­ngan!

Joey aapak sa bakuran ng Dos

Bukod sa mga staff members at writers ng Startalk, mga artista, at celebrities ang pinasalamatan ni Joey de Leon kung bakit nagtatagal sa ere ang showbiz talk show nila nina Lolit Solis, Butch Francisco, Tim Yap, at Ricky Lo. Ang mga artista ang gumagawa ng balita at ’pag nanahimik ang mga ito for one year, patay ang showbiz.

Pinuri rin ni Joey sina Vaness del Moral, Jan Manual, Enzo Pineda, at mga naunang pumuwesto sa Tigbakan Authority dahil magagaling mag-deliver ng lines at umarte kahit scripted. Inaaabangan niya ang segment at pinatatawa siya ng mga ito.

Samantala, ’wag kayong magulat kung mapanood n’yo si Joey sa mga shows ng ABS-CBN at malapit na ito para sa promo ng movie nina Sarah Geronimo at Gerald Anderson dahil kasali siya bilang ama ni Sarah.

“Favorite ko si Sarah, kaya tinanggap ko ang movie. Simple at mabait siyang bata, tahimik, at okay kasama. Five to six days ang shooting ko as the rocker disc jockey dad niya. Masaya ito, comedy. Sa promo, aapak ako sa ABS-CBN,” sabi ni Joey.

Isabelle kulang pa sa training sa pagho-host kaya natsugi ni Manny

May special participation si Isabelle Daza sa Futbolilits bilang si Claudette at nag-i-enjoy siya dahil mahilig siya sa football. Ang problema lang ng dalaga ay ang pag-memorize ng lines na minsan mahahaba. Hindi siya concerned kung maliit o malaki ang role niya, ang importante nag-i-enjoy siya.

Hindi alam ni Isabelle kung hanggang kailan siya sa Futbolilits, pero dahil sa experience, gusto niyang ituloy ang acting career niya, ’wag lang muna drama dahil kakailanganin niya ng different training.

Sa tanong kung bakit wala na siya sa Manny Many Prizes, ang sagot ni Isabelle: “They needed older and more seasoned host. I’m new pa and I need training pa.”

QC magbibigay ng libreng operasyon sa katarata

Panawagan sa press people na may cataract, may libreng operasyon na handog si Quezon City Mayor Herbert Bautista this Monday. Sa Quezon City Hall pumunta ang mga gustong maserbisyuhan ng cataract operation.

Sa mga nagtatanong kung puwede ang pamilya ng press people na magpaopera, mas makabubuting pumunta na lang sa Quezon City Hall.

BUTCH FRANCISCO

ENZO PINEDA

FUTBOLILITS

GERALD ANDERSON

HERBERT BAUTISTA

ISABELLE DAZA

JAN MANUAL

KUNG

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with