MANILA, Philippines - Puno ng adventure ang salubong ng ASAP Rocks sa unang Linggo ng Oktubre.
Ngayong Linggo, muling magbubukas ang taunang ASAP Pop Viewer’s Choice Awards. Makakaboto na naman ang mga fans ng mga paborito nila at mga pop-tastic at pop-bulous sa larangan ng musika, telebisyon, pelikula at fashion.
Sa ikapitong taon nito, tinuturing ang ASAP Pop Viewer’s Choice Awards ng ASAP Rocks bilang ultimate fan-based text voting awards sa Philippine TV kung saan fan mismo ang pumipili ng mga mananalo.
Bukod sa ASAP Pop Viewer’s Choice Awards, magagalak ang inyong mga puso sa awiting handog ng ASAP Sessionistas, sa nakakabilib na SOS number ng pop star icon na si Sarah Geronimo, at sa pagbabalik sa ASAP Rocks concert stage ng nag-iisang ultimate heartthrob na si Piolo Pascual.
Tiyak na magiging mainit naman ang viewers sa sizzling hot Arabian number ng teleserye royalties na sina Kim Chiu, Melissa Ricks at Cristine Reyes; samantalang magpapakilig naman ang teen heartthrobs na sina Diego Loyzaga, Daniel Padilla at Neil Coleta.
Hindi rin papahuli sina Martin Nievera, Zsa Zsa Padilla, Vina Morales, Jed Madela, Erik Santos, Billy Crawford, Yeng Constantino, Jericho Rosales, Toni Gonzaga, Shaina Magdayao, Enchong Dee, Venus Raj at Starpower girls Akiko, Krissel, at Monica sa makatindig-balahibo nilang production numbers.
Huwag rin palampasin ang kakaibang dance adventure na handog ng supahdancers na sina Iya Villania, Rafael Rosell, Robi Domingo, Aaron Villaflor, Jessy Mendiola, Empress, at Bugoy Cariño.
Magsisimula na ang adventure sa ASAP Rocks ngayong Linggo, 12:15 ng tanghali, sa ABS-CBN.