^

PSN Showbiz

Nikki itinago ang anak sa hiniwalay ng asawa

SUNTOK SA BUWAN - Emy Abuan Bautista -

Higit na gumanda ngayon si Nikki Valdez na na­pu­na ng entertainment press sa presscon ng Praybeyt Benjamin. Naghiwalay na pala sila ng kan­yang asawa at itinago ang anak niya rito.

Ngayon ay nag-uusap na sila ng ex-husband at naging magkaibigan na. Higit sa lahat ay nakita na nito ang kanilang anak.

Marahil wala na siyang problema kaya makakapag-concentrate na sa kanyang career at gumaganda ngayon. Hindi naman siya nababakante sa paglabas sa telebisyon sa ABS-CBN.mas komportable na sa aktingan

Inamin ni Vice Ganda na komportable na siyang magtrabaho ngayon kesa sa launching movie na Petrang Kabayo.

Ayon sa bading na komedyante, gamay na niyang makatrabaho si Wenn Deramas na direktor niya rin sa Petrang Kabayo at malaya siyang nagbibigay ng suggestion dito para sa ikagaganda ng pelikula.

“Maganda ang mensaheng mapupulot dito dahil tumatalakay ito tungkol sa pagmamahal sa isang pamilya at pagtanggap sa kasarian ng isang tao,” sabi ni Vice.

Eddie saludo sa pagpapatawa ni Vice

Puro papuri ang sinabi ni Eddie Garcia na kasama rin sa said movie tungkol kay Vice Ganda.

Ayon sa premyadong aktor-direktor, “Iba ang kanyang istilo sa pagpapatawa at hindi siya nangongopya. Dedicated siya sa trabaho at gustong mapaganda ang lahat ng eksena.”

Sa Praybeyt Benjamin ay magpapakalalaki na si Vice alang-alang sa kanyang lolo at sa bansa. Ipalalabas na nationwide sa Oct. 12 mula sa Viva Films at Star Cinema.

AYON

EDDIE GARCIA

HIGIT

NIKKI VALDEZ

PETRANG KABAYO

PRAYBEYT BENJAMIN

SA PRAYBEYT BENJAMIN

STAR CINEMA

VICE GANDA

VIVA FILMS

WENN DERAMAS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with