Raymart nagbukas ng bistro/café, nagka-cameraman at nagpapa-rent ng TV equipment
Patas na ang mag-asawang Claudine Barretto at Raymart Santiago dahil kung may kissing scene ang una kina Marvin Agustin at Luis Alandy sa Iglot, may kissing scene rin ang huli kay Jennylyn Mercado sa Futbolilits. Hindi pa nakukunan ang eksena pero naaaliw ang aktres dahil kay Mark Herras pa ang last screen kiss niya.
Samantala, hindi siguro nagsinungaling si Paolo Contis sa sinabing never pang dumalaw si Luis Manzano sa taping ng Futbolilits na four days na lang ang taping at Oct. 14 ang last airing.
Opening this Sunday ng Red Garlic Bistro/Cafe na kabilang sa mga owners ay sina Raymart Santiago at Claudine Barretto. Kasama rin sa menu na isi-serve sa bistro/cafe ay recipe ni Raymart at nasa cell phone niya ang ginawa at tiniyak na masarap at magugustuhan ng mga diners.
Kaya hindi pa rin mababakante si Raymart kahit tapos na ang Futbolilits dahil ang resto ang aasikasuhin. Nasa #218 Katipunan Avenue ito, near Blue Ridge at may 80 seating capacity at three months nilang pinaghandaan.
Bukod sa bistro/café, maaasikaso rin ni Raymart ang isa pa niyang business, nagka-cameraman pala siya sa mga special projects at nagpapa-rent ng TV equipment. Ang kaigihan nito, sa bahay lang ang office niya.
Jasmine timing ang pag-uwi
Timing ang uwi ni Jasmine Curtis Smith dahil nakatulong siya kay JC de Vera sa pagpo-promote ng new time slot ng Ang Utol Kong Hoodlum. Simula bukas, eere na ito after Sa Ngalan ng Ina at Koreanovela ng TV5.
Inaabangan ng family niya sa Australia ang Utol…, at naaaliw ang mom niya kina Dennis Padilla at Empoy.
Proud sister pala si Jasmine kay Anne Curtis na box-office hit ang movie nitong No Other Woman at sold out ang Anne-Bisyosa album under Viva Records.
Hindi pala si Derek ice Ganda ibinuking ni Liz Uy, si Kerbie Zamora ang crush
Naloka si Vice Ganda dahil binuking sa Twitter ng good friend niyang si Liz Uy na crush niya si Kerbie Zamora, ang gumanap na best friend ni Martin Escudero sa Zombadings. Pasalamat lang si Vice na walang Twitter account si Kerbie at ’di nabasa ang binuking ng kaibigan.
Sa Twitter din namin nabasa na ang pinakamahaba niyang ligo ay nangyari sa shooting ng Praybeyt Benjamin. Nagbabad siya sa tubig sa shower scene nila ni Derek Ramsay at sumama ang pakiramdam after the shooting.
Aga naglakbay sa lugar ng mga cowboys
Sa Pinoy Explorer, itutuloy ni Aga Muhlach ang paglalakbay sa Yellowstone National Park sa may bahagi ng Montana na kabilang sa western states ng America at maraming cowboys. Dito rin makikita ang Mammoth Hot Springs, Grand Canyon of Yellowstone at ang Lovers Falls na kahanga-hanga ang lawak at laki.
- Latest