^

PSN Showbiz

Aktor hindi na binibitbit ang asawa sa mga lakaran

SHOWBIZ DRIBBLE - Salve V. Asis -

Pinagtatakhan ngayon kung bakit hindi na nakikitang kasama ng aktor ang kanyang asawa.

Ang puna ng ilang taga-showbiz, hindi na binibitbit ng aktor ang asawang lagi-lagi naman niyang kasama noon sa mga showbiz functions.

Kaya minsan sa isang party, panay ang hanap ng ilang nagmamasid sa aktor. Wala na naman daw ang asawa nito.

Nagmamalisya tuloy sila na baka naman tulu­yan na ngang naghiwalay ang dalawa.

Simula nang ikasal ang dalawa, maagang nang­husga ang marami. Hindi raw sila magtatagal dahil hindi sila bagay. Kaya ngayon, sinasabi nung ibang nag-predict na mukhang nagkakatotoo na ang kanilang hula.

Kaya lang parang maaga pa naman para ma-sure na hiwalay na nga sila.

Goma balik-kapamilya

Balik-ABS-CBN si Richard Gomez.

May isang nagsabi na si Goma ang makakasama ni Susan Roces sa gagawin nitong teleserye sa ABS-CBN na nagbabalik din sa nasabing network.

Isang malaking serye raw ito na next year na mapapanood.

Matagal-tagal ding nagpalipat-lipat si Goma sa GMA 7 and TV5. Pero sa ABS-CBN talaga siya nag-originate.

Regodon galore talaga ang maraming artista ngayon.

Sarah naaliw sa Japan

Na-e-excite na si Sarah Geronimo sa gagawin niyang TV show sa ABS-CBN.

Mismong ang manager niya kasing si Mr. Vic del Rosario ang nag-confirm ng sariling programa ng kanyang alaga pero wala pang idea ang Pop Princess sa concept ng programa. Ang hint lang kasing bi­nigay ng manager niya, basta sarili niya ang show.

Kasama ang nasabing show sa bagong kontrata niya sa Dos.

At habang hinihintay ‘yun, tuloy ang shooting nila ni Gerald Anderson para sa sequel ng Catch Me I’m In love. Showing na kasi ito this October.

Mas nakakakilig daw ito kesa sa nauna nilang movie na pinakamalaki ang kinita sa lahat ng pelikulang ipinalabas last year.

By the way, tuluy-tuloy ang paglilibot nina Sarah G at Martin Nievera para sa kanilang What love Is concert sa buong bansa. Last week lang ay successful ang concert nila sa Batangas at next week - October 7 nasa Bulacan Capitol Gymnasium, Malolos Bulacan sila.

Susunod sa Limketkai Atrium, Cagayan De Oro City sa November 4.

Last month ay nanggaling ang pop princess sa Japan. Nag-concert siya sa maraming Pinoy na nakabase roon.

After the concert ay nagkaroon siya ng chance na mamasyal sa bansang tinamaan kamakailan ng matinding disaster.

According to Sarah, sobrang ganda ang land of the rising sun sa gabi lalo na ang mga colorful lanterns and sweet smell ng air, feeling tuloy niya nakarating siya ng wonderland.

BULACAN CAPITOL GYMNASIUM

CAGAYAN DE ORO CITY

CATCH ME I

GERALD ANDERSON

GOMA

KAYA

LIMKETKAI ATRIUM

MALOLOS BULACAN

MARTIN NIEVERA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with