Totoo palang nabuntis ng isang aktor ang isang starlet contrary sa denial ng starlet.
Pero ayon sa isang source, hindi raw nila alam kung bakit biglang naiba ang direksiyon ng kuwento.
Kaso ayaw naman sabihan ng deretsahan ng source kung nagpa-abort ang starlet. Basta ang alam daw niya, nabuntis ang starlet na ‘to ha.
Basta ‘yun ang kuwento ng source. Wala naman gustong magsalita kung totoo ang naturang kuwento.
Rosanna inaayawan
Kahit anong puri sa mini serye ni Nora Aunor na Sa Ngalan ng Ina, wala itong planong panoorin ni ‘Nay Lolit Solis. Ang rason : si Rosanna Roces.
Asawa kasi ni Christopher de Leon ang role ni Rosanna at hindi niya alam nung umpisa na si Rosanna ang makaka-partner ng kanyang alaga. Kung alam lang daw niya.
Alam na ng lahat na malaki ang kasalanan ng dating bold star sa talent manager at kolumnista rin dito sa PSN.
Sa Lunes mag-uumpisa ang airing ng Sa Ngalan ng Ina at malaki nga ang role ni Rosanna sa palabas na bida ang Superstar.
Hototay hindi tinanggap para kay Boyet
Ang saya ng programa ni Kuya Mar de Guzman Cruz na Showbiz Power na naririnig sa DZXL every Sunday 6:00 to 8:00 p.m.
Nahiya akong humindi (hehehe) kaya last Sunday ayun for the first time nakipag-tsikahan ako sa ere kay Kuya Mar, isa sa mga iginagalang at beteranong movie writer at radio host.
Nakausap namin ni Kuya Mar si Christopher de Leon sa telepono. Pino-promote ni Boyet ang Sa Ngalan ng Ina at ang Padre de Familia, ang serye na pagsasamahan nila nina Piolo Pascual at Jericho Rosales sa ABS-CBN.
At nasagot na kahapon ang sinabi niya na depende sa manager niyang si Nay Lolit kung tatanggapin niya ang offer na movie for Metro Manila Film Festival. Mismong ang manager na niya ang nagsabi na hindi nila tatanggapin ang Hototay na tambalan na naman nila ni Ate Guy.
Bukod kay Boyet nakatsika rin namin si Metro Manila Development Authority Chairman Francis Tolentino tungkol sa idea nilang magsali ng mga estudyanteng filmmaker sa darating na Metro Manila Film Festival. Maraming sinabi si Chairman tungkol doon.
Kaya lang nang tanungin ko kung anong huling pelikulang Tagalog ang napanood niya, ‘yun pa palang mga pelikula noong nakaraang MMFF. Binanggit niya ang Magic Bebe at ang pelikula noon ni Kris Aquino.
Wala na sigurong time manood si Chairman ng mga pelikula after MMFF at ngayong papalapit na naman ang 2011 filmfest ay saka lang siya manonood ulit.
Camille maraming aayusing dokumento
Marami palang aasikasuhin si Camille Prats sa pagkawala ng asawa niyang si Anthony Linsangan.
Ang mga dokumento raw kasi nang naiwan ni Anthony ay kailangan pang ayusin. Hindi na raw ito nagawa bago tuluyang binawian ng buhay ang asawa ng actress.