MANILA, Philippines - Rarampa si Ms. Universe 3rd runner-up Shamcey Supsup sa concert stage ng ASAP Rocks ngayong Linggo (Sept.25). Sasalubungin si Shamcey ng mga nag-gaguwapuhang Kapamilya leading men sa isang haranang tunay namang fit for a queen.
Sa temang ASAP Rocks: The Kick-off, sunud-sunod na sorpresa ang masasaksihan gaya ng album launch ng Anne-bisyosa na bagong ASAP Diva na si Anne Curtis; Toni@10 concert teaser ni Toni Gonzaga, pagbabalik ng ASAP Sessionistas mula sa kanilang matagumpay na US tour; at ang pagbibigay-pugay sa 20th anniversary ng longest-running drama anthology sa Asya ang Maalaala Mo Kaya.
Hinding-hindi naman dapat palagpasin ang back-to-back production numbers ng nag-iisang Mr. Pure Energy Gary Valenciano at ng Pop Star Princess Sarah Geronimo.
Tampok din si Sam Concepcion kasama ang mga co-stars niya sa theatrical play na Peter Pan handog ang isang espesyal na premier teaser.
Bonggang birthday celebrations naman ang hatid para kay ultimate supahdancer at Primetime Princess Maja Salvador at Asian acoustic sensation na si Aiza Seguerra.
Mainit ang mga performances na dapat abangan mula sa mga bigating supahstars na sina Jericho Rosales, KC Conception, Luis Manzano, Venus Raj, Sam Milby, Enchong Dee, Kim Chiu, Iya Villiania, Empress Shuck, Shaina Magdayao, Rayver Cruz, Enrique Gil, Gab Valenciano, Martin Nievera, Zsazsa Padilla, Jed Madela, Jovit Baldivino, at Erik Santos.
Magpapasiklab din sa paghataw ang UP Pep Squad na katatanghal lamang bilang kampyon sa katatapos lamang na 2011 UAAP cheerdance competition.
‘Wag palampasin ang ASAP Rocks, 12:15 ng tanghali.