Carla humirit na naman, minaliit ang kakayahan ng sariling direktor

SEEN: Si Rajo Laurel ang gumawa ng damit na ginamit ni Nora Aunor sa red carpet premiere ng Sa Ngalan ng Ina.

Natupad ang pangarap ng fashion designer na bihisan si Nora.

SCENE: Agad na tumalilis si Rosanna Roces nang matapos ang special screening ng Sa Ngalan ng Ina.

Pilit na nagpapaka-natural ang acting ni Rosanna sa mini serye ng TV5.

SEEN: Ang acting ni Mike Tan sa Kung Aagawin Mo ang Langit. Kailangan pa ni Mike ng mga acting workshops.

SCENE: On leave si Mo Twister sa kanyang radio at TV programs.

Pumunta si Mo sa Amerika para dalawin ang anak nila ni Bunny Paras.

SEEN: Umalis na sa Pilipinas ang mga finalists ng American Idol Season 10.

Walang ingay ang kanilang two-night concert sa Araneta Coliseum.

SCENE: Next week ang grand launch ng Esquire Philippines magazine.

Si Raymond Gutierrez ang style editor ng mag.

SEEN: May kayabangan ang pahayag ni Carla Abellana na hindi nito pinanonood ang kanyang mga eksena sa Kung Aagawin Mo ang Langit dahil nakikita niya ang mga mali sa lighting, etc.

Napapahamak si Carla dahil sa pagkataklesa sa pagsasalita at pangmemenos sa kakayahan ng direktor.

SCENE: Walang ipinagkaiba sa American Idol ang X-Factor dahil sa presence nina Simon Cowell at Paula Abdul bilang mga hurado.

Show comments