Ramdam na aktres na Valerie enjoy magkontrabida

Masaya si Valerie Concepcion dahil naging bahagi siya ng teleseryeng 100 Days to Heaven. Kung noon ay na-enjoy ni Valerie ang pagho-host sa noontime show ay naramdaman naman niya ngayon ang pagiging aktres.

“Siyempre I feel so blessed na nakasama ako sa show na ’yun, ’tapos big hit pa,” nakangiting bungad ni Valerie.

Paano kaya pinaghahandaan ng sexy actress ang kanyang bad role sa serye? “Nag-workshop po ako kung paano ko mapapaganda ’yung pag-act kasi big hit nga ’yung soap. Siyempre kailangang makipagsabayan sa mga artista. Hindi puwedeng mapag-iwanan so I took a workshop with Bever­ly Vergel. Tinuruan niya ako kung paano magalit ng ma­katotohanan kahit hindi ka nagagalit deep inside,” kuwento ng aktres.

Hinahanap-hanap kaya ni Valerie ang pagho-host? “Ac­tually ako, nami-miss ko mag-host pero kung gusto ako ng management na mag-concentrate muna ako sa acting siguro tama lang din kasi parang nag-uumpisa ulit ako sa acting eh, para mas maraming ma-explore. ’Di ba baka mamaya magaling ako sa comedy, sa horror, para at least iba-iba,” natatawang sagot ni Valerie.

Maayos naman ngayon ang relasyon nina Valerie at boyfriend na basketball player. Paano kaya mag-bonding sina Valerie at Dondon Hontiveros?

“Magdi-dinner, actually, dati once a week lang ’tapos ngayon medyo dumadalas na nga pero ganun pa rin, hindi pa rin everyday. I don’t demand na gusto ko everyday. Feeling ko isa ’yun sa mga bagay na gusto niya sa akin, na at least may Dondon life, may Valerie life, ’tapos may life toge­ther,” paliwanag ng aktres.

Ayon naman sa aktres ay kilala naman ng kanyang anak na si Fiona kung sino ang tunay nitong ama.

“Alam niya ’yung pangalan, ipinakita ko ’yung picture pero kapag tanungin mo siya kung sino ’yung papa niya, alam niya ’yung pa­nga­lan pero kung gusto niya bang makita, ayaw niya.

“I think she has this thinking na baka kapag nakipagkita, kunin siya, parang ganun. Mama’s girl,” paliwanag ni Valerie.

Ngayon ay mayroon ilang mga negosyong naipundar na rin si Valerie. Magdadalawang taon na ang Posh Nails salon ng aktres sa The Fort, Taguig City. Mayroon ding water refilling station at laundry business ang sexy kontrabida.

— Reports from JAMES C. CANTOS

Show comments