Walang definite na answer si Carmina Villarroel kung lilipat siya sa TV5.
Matunog kasi ang issue tungkol sa kanyang pag-aalsa balutan sa Kapuso Network. Though sinasabi niya namang masaya siya sa GMA 7. “Honestly, hindi ko pa talaga alam. Wala pa. Hindi ko alam kung saan ako pupunta. Kung mag-i-stay ako, hindi ko pa alam. Kaya mag-uusap pa kami, mag-uusap pa talaga kami nang masinsinan,” sabi niya sa presscon kahapon ng Del Monte Filipino Style Tomato Sauce na dinagdagan ng MMK (Munggo, Malunggay at Kalabasa).
Magkakatalo lang daw ‘yan sa offer. “Open ako, I think wala namang masama kung open ka ’di ba? Parang mga options lang. I’m just weighing my options. ’Yun lang. Basta, okay ako kung saan ako mapadpad.
“So, ‘yun nga, magkakatalu-talo na lang sa magiging offer, sa magiging usapan talaga. Kung saan ako magiging happy at magiging matiwasay naman ang career ko at buhay ko, doon ako.
“Ayoko na ng problema, ayoko na ng gulo,” sagot ng aktres.
Nauna nang napadpad sa Kapatid Network ang live-in partner niyang si Zoren Legaspi.
Tatlo ang existing show ni Carmina sa GMA 7.
Sinagot na rin niya ang hindi matapus-tapos na issue ng kasalan nila ng live in partner. Say ni Carmina, masaya na sila ni Zoren sa pagsasama nila at pakiramdam niya ay hindi na nila kailangan at pangarap ang kasalan pero ipinagdiinan niyang naniniwala naman siya sa kasal. “ Hindi ko alam talaga kung ano ang sasabihin sa inyo. Kung kami nga, parang okay na okay naman ang relasyon namin to the point na hindi na nga namin napag-uusapan na akala namin parang tapos na, so, nahihirapan akong sumagot. Hindi ko alam kung ano ang isasagot ko,” sabi niya.
Anyway, isa na si Carmina sa may pinakamaraming endorsement sa kasalukuyan.
May Christopher pa Paulo Avelino inihilera agad kina Piolo at Jericho
Bongga nga agad ang project ni Paulo Avelino sa Kapamilya Network kaya talagang hindi niya pala matanggihan.
Bukod sa paglabas niya sa 100 Days to Heaven, ang susunod niyang serye ay kasama agad niya sina Piolo Pascual and Jericho Rosales with Christopher de Leon sa primetime series na Sa Ngalan ng Ama.
Yup, actually ayon sa source, Sa Ngalan ng Ina pala ang original title nito. Kaya lang naunahan daw ng TV5 sa mini series ni Nora Aunor.
Offer ng dos hindi natanggihan ni Susan Roces
Yup, wala na ngang urungan ang project ni Susan Roces sa ABS-CBN.
Say ni Tita Dolor Guevarra, manager ng beteranang aktres, hindi nito natanggihan ang magandang project na sinasabi niyang biggest project for 2011 ng Kapamilya Network.
Kuwento kasi ni Tita Dolor, mauunang gawin ng TV5 ang project ni Lorna Tolentino and Alice Dixson na Glamorosa. So, matatagalan pa siyang (Susan) maghihintay. Eh ang original plan pala, after ng Babaeng Hampaslupa, may susunod agad siyang project. Eh ang director din daw ng LT/Alice project si Eric Quizon na director din ng project supposedly ni Manang Inday. “So maghihintay siya. Saka talagang maganda ‘yun project ng Dos,” susog ni Tita Dolor.
Sino namang mga makakasama niya?
Ayaw magbigay ng clue ni tita Dolor. Basta isang ‘comebacking’ actor din daw sa Kapamilya Network.
Uh-oh. Sino kaya ’yun?