^

PSN Showbiz

Billy, Carla, John, Iya, and Chris nagdi-direct selling

-

MANILA, Philippines - Nag-aanyaya sina Billy Crawford, Carla Abellana, John Prats, Iya Villania at Chris Lawrence para maging bahagi ng pamilya na Marikina Shoe Exchange (MSE).

Ang MSE ay isang wholesaling operation na may twist ng direct selling kung saan makakaasa kayo ng mas malaking kita dahil sa malaking discounts at mas murang halaga ng bilihin. Napakadaling maging MSE dealer. Maaari kang mag-recruit ng isang member o puwede ka rin naman mag-apply online, phone o magpunta sa kahit aling MSE branches nationwide. Libre ang registration at ang membership ID at MSE catalogue ay optional. Pero sa abot-kayang halaga na P115, mayroon ka ng membership ID, MSE catalogue, signage, registration form at company policy.

Kapag isa kang dealer, maaari kang maka-avail ng discounts. Kailangan lang ng P3,000 o pataas na gross single purchase at puwedeng iba’t ibang items.

Maraming pagpipilian sa MSE gaya ng apparel, shoes, bags, wallets at household items. Mayroong dalawang discount levels. Ang una ay ang 27% discount level na madaling puwedeng umangat sa 40%.

Kailangan lang ng paid-in sales ng P50,000 sa isang buwan o 30 calendar days. Kapag ang dealer ay nasa 40% discount level, walang balikan sa 27%. Maliban sa sales, maaari ring kumita sa MSE sa pamamagitan ng wholesaler at service center incentives in rebate form o sa dealer recruitment kung saan puwedeng magkaroon ng lifetime commission.

Nakasisiguro rin ang mga customer ng MSE sa return and exchange policy.  

Proud ang MSE na isa itong wholly-owned Filipino company at halos lahat ng ibinebenta ay gawa dito sa Pilipinas. 

Sa mga nabanggit tungkol sa MSE, hindi na kataka-taka na madaling napapayag sina Billy Crawford, Carla Abellana, John Prats, Iya Villania, at Chris Lawrence para maging bahagi ng lumalaki nitong pamilya. 

Ang mga nabanggit na celebrities ay masasabing may mga kapareho sa brand - young, vibrant at energetic kaya masaya.

For more information, please visit the website: www.mse.com.ph.  

vuukle comment

BILLY CRAWFORD

CARLA ABELLANA

CHRIS LAWRENCE

IYA VILLANIA

JOHN PRATS

KAILANGAN

KAPAG

MARIKINA SHOE EXCHANGE

MSE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with