In ngayon ang mga pelikula tungkol sa kaliwaan. Pagkatapos ng My Neighbor’s Wife, palabas naman sa susunod na linggo ang No Other Woman na pinagbibidahan nina Anne Curtis, Derek Ramsay, and Cristine Reyes.
Sa trailer pa lang ng pelikula, ma-drama na.
Sa totoong buhay ba nangaliwa na silang tatlo o kinaliwa na sila?
Si Anne, hindi papayag maging kabit. “No. Big no-no sa akin ito in real life. I will never allow myself to be the second choice,” sabi ng actress kahapon sa presscon ng pelikula ng Star Cinema na palabas na sa September 28.
Maging si Cristine ay never na naisip na magiging other woman in real life.
Sa katunayan, silang dalawa pa nga raw ang naagawan ng dyowa. Pero nang usisain kung sino sa mga naging boyfriend nila ang naging unfaithful, hindi na dinetalye ng dalawang aktres na parehong alaga ng Viva Artists Agency at nakatakdang mag-renew ng kani-kanilang kontrata sa Kapamilya Network.
Si Derek naman ay hindi maipangako kung hanggang kailan siya hindi makakatiis na hindi magkaroon ng other woman habang karelasyon si Angelica Panganiban. Sana habambuhay raw pero ‘yun nga hindi niya maipangako.
Samantala, para kay Anne, ang pagiging kerida sa pelikulang No Other Woman ay isang matapang na decision. Nasanay na kasi tayong pa-cute or pa-sexy lang ang actress pero pag nakita mo sa trailer parang expert na siya sa pagiging kerida.
At si Cristine naman na nakasanayan natin na ‘mang-aagaw ng lalaki’ ay mapapanood natin na asawang niloko sa pelikulang ito.
Si Derek naman ay ang lalaking pinag-aagawan.
Kuwento ng pag-ibig, kapusukan, panlilinlang, at obsesyon ang No Other Woman.
P-Noy naniniwala sa ‘Magic’
Nagsalita na si Pangulong Noynoy Aquino sa engagement nina Cong. Roman Romulo at Valenzuela Councilor Shalani Soledad na ex syota niya.
Sa ABS-CBN sinabi ng presidente na “You know I like the song Got to Believe in Magic. There’s this line there that says ‘Tell me how two people find each other.’ Well now she found someone. Ako kasi tinatanong ko pa rin sa sarili ko how do people find each other? Siya nasagot na niya,” sabi niya sa ABS-CBN correspondent sa New York na si Nadia Trinidad. Kasalukuyang nasa Amerika ang pangulo.
Kilala raw niya ang pamilya Romulo at hindi siya nag-comment kung dadalo siya sa kasal ng dalawa.