May tampo sa TV5?, Susan Roces, Balik- ABS-CBN!

Ang lakas ng balitang si Sharon Cuneta ang next Kapamilya star na lilipat sa TV5 after Mariel Rodri­guez. Ang tsika nga’y ang birthday TV special ni Megastar ay sa TV5 eere next year at ilang buwan na lang ‘yun.

Samantala, may balita ring on-hold ang drama series ng TV5 na Silay na pagsasamahan sana nina Ms. Susan Roces at Lorna Tolentino dahil tumanggap daw muna ng project si Ms. Susan sa ABS-CBN.

Ang unang narinig namin, gagawin ang Silay after Gla­morosa and before the year ends, pero dahil sa babalik muna sa ABS-CBN si Ms. Susan, hindi muna raw gagawin ang drama series at hihintaying matapos ang soap niya sa Channel 2.

Eugene Domingo feeling sexy pag nagb0-ballroom

Tuwang-tuwa si Eugene Domingo sa role niya sa My Househusband: Ikaw Na!  dahil first time niyang magkakaroon ng best friend na lalake at ito’y si Ryan Agoncillo na gaganap na househusband.

Masaya ang shooting ng movie na entry ng OctoArts Films sa Metro Manila Film Festival dahil magkakaibigan ang nasa cast. Hindi nito pinalampas na ma­kasama sa isang light drama sina Ryan at Judy Ann Santos at muling maidirehe ni Joey Reyes.

Nahihilig pala sa ballroom dancing si Eugene ngayon at naseseksihan siya tuwing  nagsasayaw.

Nakatakda ring umalis si Eugene para sa yearly vacation niya.

Show comments