MANILA, Philippines - Bida si Anne Curtis at ang Pambansang Kamaong si Cong. Manny Pacquiao sa pinakabagong pakulo ng Ginebra San Miguel at GSM Blue, ang OMG (Oh My Gin) promo.
Sabay na ieendorso ng dalawa ang promo kung saan maaaring manalo ng cash prize hanggang P100,000, mga motorsiklo, LCD TVs, iPad at iPod Nano gadgets, Magic Sing units, at kung anu-ano pa, ang mga masuwerteng makakakuha ng mga mananalong takip o tansan ng Ginebra San Miguel o GSM Blue.
Ang mga nasa larawan (L-R) ay sina Ginebra San Miguel, Inc. President Bernard D. Marquez, Anne Curtis, Manny Pacquiao, at GSM Marketing Manager Nelson S. Elises.
Para sa karagdagang impormasyon, bisitahin ang www.facebook.com/barangayginebra.