Travel agent tinakasan sa inutang na tickets ng female singer na nag-show sa USA
PIK: Feeling ni Mark Herras napakasuwerte niya dahil sa kanya ibinigay ni Cesar Montano ang isang mapanghamong role sa pelikulang Hitman na pinagbidahan at idinirek nito.
Kasali rin sa pelikulang ito sina Phillip Salvador, Ricky Davao, at Joko Diaz.
Ayon kay Mark, hindi lang si Cesar ang naga-guide sa kanya kundi pati sina Phillip at Ricky dahil gusto nilang magaganda ang kalalabasan ng karakter na ginampanan ni Mark.
“Actually, first time kong gumawa ng ganitong movie na talagang aksiyon at humawak ako ng iba-ibang klaseng baril.
“Sana ma-appreciate nila dahil sa tulong na rin nina Direk Cesar kaya talagang binigay ko na lahat. Ito kasi ang hindi ko pa nagagawa sa normal taping eh na nakakasama mo ang mga magagaling na aktor at lagi ako nagpapaputok ng baril,” masayang pahayag ni Mark.
Dito na niya nakita na natupad na ang pangarap niyang mag-action.
Kahit mabigat ang role na ginampanan dito ni Mark, matitindi rin ang mga eksena rito nina Cesar at Phillip.
Katambal dito ni Cesar si Sam Pinto.
PAK: Binayaran na kaya ni magaling na female singer ang kanyang travel agent na inutangan niya at ng mga kasama nito ng ticket papuntang Amerika?
Nagsumbong itong travel agent na kumuha sa kanya ng mga tickets pa-US dahil may show doon si female singer.
Ang pangako ni singer, pagbalik niya ay babayaran agad kapag nakuha na ang talent fee sa mga shows niya sa US.
Pero pagbalik ng bansa, sinabihan ni female singer si travel agent na hindi siya binayaran ng kanyang promoter kaya hindi muna siya makapagbabayad.
Naloka si travel agent dahil hindi naman dapat nakasalalay sa mga shows niya sa US ang pambayad sa mga tickets. Ano naman ang kinalaman niya sa ’di pagbayad ng promoter dahil maayos naman niyang ipinautang kay female singer ang mga tickets na nangakong babayaran pagbalik?
Hanggang ngayon ay namomroblema pa si travel agent kung paano siya mababayaran. Pinag-iisipan na niyang magpa-interview sa mga talk shows.
BOOM: Nagulat si Daniel Matsunaga sa kumalat na intrigang nag-break na sila ni Heart Evangelista.
Lalong napagdudahang totoo dahil no show si Heart sa nakaraang Cosmo Bachelor Bash para sumuporta kay Daniel.
Ang sabi ni Daniel, may commitment lang si Heart sa ilang kamag-anak nito kaya hindi siya nakahabol sa World Trade Center.
Pero wala silang problema at okay na okay ang kanilang relasyon.
Hindi nagkomento si Daniel sa isyung may tampo si Heart sa GMA 7 kaya pinag-iisipan nitong bumalik ng ABS-CBN.
“I’m not sure about that, because of course she has a contract with GMA and I can’t say anything because I really don’t know and I really think I shouldn’t say anything because I may say something that is wrong and I don’t have any idea so I prefer not to be part of it,” reaksiyon ng guwapong Brapanese model-actor.
- Latest