Marami akong pet dogs kaya alam ko ang nararamdaman ngayon ni Paolo Bediones na problematic at nagbabalak na lumipat ng ibang bahay dahil bawal sa village nila ang mga aso.
Super emote si Paolo dahil ipinagbabawal ng homeowner’s association ng Woodside Homes ang mga aso. Kung bakit, tanging sila lang ang nakakaalam.
Nasa likod ng Christ The King Church sa E. Rodriguez Avenue, Quezon City ang Woodside Homes at more than 10 years nang nakatira si Paolo sa exclusive village na pag-aari yata ng Ayala Homes.
Sina Kris Aquino at Jay Manalo ang ilan sa mga dating kapitbahay ni Paolo sa Woodside Homes. Kung hindi pa nag-emote si Paolo laban sa homeowner’s association ng kanilang village, hindi malalaman ng sambayanang Pilipino na anti-pets pala ang mga residente ng village nila. Para magplano si Paolo na lumipat sa ibang lugar, obvious na na-hurt siya ng husto sa batas na pilit na ipinatutupad ng kanilang association.
At dahil bawal pa sa Woodside Homes ang mga dog, hindi ako maninirahan doon, hitsurang bigyan ako ng libreng bahay at lupa. Hindi ako puwedeng humiwalay sa aking mga alagang aso ’no?
Hindi ko pinangarap na i-give up o ipaampon sila dahil sa totoo lang, mas loyal na kaibigan ang mga doggie kesa mga totoong tao. Subok na subok ko na ’yan kaya nakaka-relate ako sa sama ng loob na napi-feel ni Paolo.
AI finalists nagkagulo kay Pacman
Nabulabog kahapon ang GMA 7 dahil sa guesting ng American Idol Season 10 finalists sa Manny Many Prizes ni Congressman Manny Pacquiao.
Kung na-starstruck ang mga Pinoy sa American Idol stars, na-starstruck din ang mga ito sa Pambansang Kamao.
Alam ng mga American singers na famous boxer si Pacquiao dahil kilala ito sa buong mundo kaya super pa-picture sila sa host ng Manny Many Prizes.
Shamcey ngayon lang tinutukan ang love life
Hindi nakapagtataka na artistahin ang boyfriend ni Shamcey Supsup dahil ex-model pala siya.
Tsinito at maputi ang mhin na nagpatibok sa puso ng third runner-up sa Miss Universe 2011. Walang makapaniwala na ngayon lang naranasan ni Shamcey na magkaroon ng boyfriend dahil sa ganda at talino niya.
Ang pag-aaral kasi ang naging priority ni Shamcey at nagbunga ito nang maganda dahil cum laude siya at certified architect na. Masuwerte ang mga magulang ni Shamcey sa pagkakaroon ng anak na mabait, masunurin, at hindi malandi.