Nagbabalak na rin na pasukin nang tuluy-tuloy ang pag-aartista ng bunso ni Gov. Vilma Santos na si Ryan Christian Recto. I don’t blame him, napakagandang ehemplo ang kanyang ina at kuya. Nakapagtataka ba kung maimpluwensiyahan siya?
Ewan ko lang kung papayagan na siya ng kanyang ina. Mahigpit ito pagdating sa edukasyon ng kanyang mga anak. Luis had to finish his studies bago ito napayagan. At ang maganda sa mga anak ni gobernadora, masunurin sila, hindi mga sutil. Just look at Luis, maganda ang buhay nito dahil naging masunurin ’di lamang kay Vi kundi maging sa kanyang amang si Edu Manzano.
Pag-aalaga ni Jake kay Andi kinokontra ng iba
O ayan na naman kayo sa mga prejudices n’yo. Porke ba buntis ay hindi na puwedeng mahalin ng iba? May nakapagtataka ba sa ginagawang pag-aalaga ni Jake Ejercito kay Andi Eigenmann? Maski na sa magkakaibigan ay maaasahan ang ganitong pagtitinginan, sila pa kaya na more than friends?
Kung palagi lang kayong titingin sa good side, malalaman n’yo na hindi imposible ang ganitong pagbibigay ng atensiyon between and among friends. At sa friendship nagsisimula ang malalalim na relasyon.
Ciara sumikat bilang pole dancer
Talagang pinangatawanan na ni Ciara Sotto ang pagiging isang pole dancer. Sunud-sunod na ang paggi-guest niya showing her expertise in this kind of dance. Puwede ko nang sabihin na pagdating sa sayaw na ito, walang celebrity ang puwedeng makatalo sa kanya, pinakamagaling siya.
Feeling ko nga naungusan na ng kasikatan niya bilang pole dancer ang pagiging artista’t singer niya. Kaya lang konting ingat Ciara, delikado ang ginagawa mo, wala kang safety net. Just be very, very careful.