Hindi na maaring maging kampante ang grupong Tween Hearts dahil patuloy at mabilis ang pagtaas ng ratings ng kalaban nilang programang Growing Up na nagtatampok sa Mara Clara tandem nina Kathryn Bernardo at Julia Montes.
Hindi inaasahan ng mga nasa likod ng programa na marami ang kikiligin sa tambalang Kathryn at Daniel Padilla at Julia at Diego Loyzaga. It seems the viewers have finally given their nod to the new love teams at sa dalawang bagets na aktres na mas gusto nilang mapanood sa TV kaysa sa mga sinehan.
Ang laki ng kalamangan ng ratings ng Growing Up na 12.3% kumpara sa 7.5% ng Tween Hearts ayon sa Kantar Media. Ibig sabihin lang, mas marami ang naki-U.B.E. (ultimate barkada experience) sa pinakabagong barkadahan sa telebisyon.
Mga taga-Gen San hindi proud kay Melai?
Poor, poor Melai Cantiveros. Marami ng celebrities ang inaangkin ng Gen San bilang produkto nito pero never nakasali ang kanyang name! Una na at ipinagmamalaki ng lungsod ang eight Division World Boxing Champion na si Manny Pacquiao; ikalawa ay ang kapapanalo lamang bilang 3rd runner-up sa Miss Universe Beauty Pageant na si Shamcey Supsup, ang actor na si Gerald Anderson at maski na ang tila nakakalimutan na ng marami na si Rolando Navarette naging malaking pangalan din sa boksing. Pero never nakasama sa listahan ang pangalan ni Melai Cantiveros. Bakit naman? Dahil ba itinuturing na less ang achievement niya sa tatlo niyang kababayan? O less ang physical attributes niya sa kanila? Pero naging grand winner naman siya sa isang napaka-laki at popular na reality search, ang Pinoy Big Brother. Marami rin siyang proyekto sa ABS-CBN, kasama na ang pagbibida sa isang pelikula na maituturing na matagumpay dahil nagpasaya ito ng manonood at pinilahan din naman sa takilya.
Ewan ko, tagahanga lang siguro ako ng babaeng taga-Gen San kaya apektado ako kapag hindi siya inaangkin ng kanyang probinsiya at ipinagwawalang bahala ang kanyang naabot, na sabihin mo mang maliit kumpara sa naabot nila ay nakapagbibigay din ng inspirasyon sa marami niyang kababayan.