Shamcey Supsup fever tuloy pa rin!
Pagdating sa pagbibigay ng haka-haka sa maraming bagay at isyu sa showbiz, walang tatalo pa sa mga Beking Pinoy. Akalain mo na pati ‘yung pagkalimot ni Shamcey Supsup na tanggalin ang kanyang scarf habang rumarampa sa Miss U ay nagawan na agad nila ng isyu. Sinasabi nilang isa ito sa mga dahilan kaya siya natalo sa nasabing pinaka-malaking beauty contest sa buong mundo. Ganun?!
Hanggang ngayon hindi pa rin nawawala ang Miss U fever. Palagay ko magtatagal pa ito dahil marami pa ring bago na natutuklasan sa ating nanalong kandidata.
Paggamit ng interpreter sa Miss World Philippines pinaboran
Miss World Philippines gagamit daw ng interpreter? Aba, maganda ito ha at matagal ko na itong suggestion. Naniniwala kasi ako na mas makakakuha ang ating kandidata ng mileage kung gagamit siya ng interpreter. Hindi lamang niya masasagot ng maganda ang itatanong sa kanya, makakakuha rin siya ng minuto o segundo para mas mapaghandaan pa ang kanyang sagot. Besides, maganda rin itong pagkakataon para i-promote natin ang ating lenguwahe. At malalaman din natin kung gaano kahusay ang mga kinukuhang interpreter.
P-noy isang congrats lang ang puwedeng sabihin kay Shalani
Bakit ba inaasahan pa natin na magkomento si P-Noy sa engagement o nalalapit na pag-aasawa ng ex niyang si Konsehala Shalani Soledad? Hindi bale sana kung artista siya o isang karaniwang mamamayan pero pangulo siya ng bansa at isang simpleng congratulations mula sa kanya ay sapat na.
Minsan naipagkakamali nating showbiz ang ating pangulo kaya pati lovelife gusto nating panghimasukan.
- Latest