Broadcaster na naka-sex ng sexy actress, patay-malisya pa

As of today, wala pang reaction ang sikat na broadcaster sa ibinunyag ng isang sexy actress na nagkaroon sila ng sexual encounter. The best pa raw ang rating ng sexy actress sa sexual encounter nila ng broadcaster.

Sa podcast ng isa ring controversial TV personality ginawa ng sexy actress ang pagbubulgar na ikinagulat ng viewers. Bale ba pinangalanan ang broadcaster, kaya agad kumalat sa Twitter noong Huwebes ang tungkol dito.

Naniniwala ang ibang viewers sa podcast na hindi na kailangang mag-react ang broadcaster. Hayaan na lang daw ang pambubunyag ng sexy actress sa ginawa nila. Pero hindi ito magugustuhan ng network kung saan nagtatrabaho ang broadcaster.

RICHARD kinumpleto ang injection bago mag—disapir ng 45 days

Bagong gupit si Richard Gutierrez nang ma-interview namin last Thursday, paghahanda ito ng actor sa pag-alis niya bukas para sa 45 days taping for Survivor Philippines 4.

Sa tsismis na sa Palawan lang gagawin ang SP, “tsismis lang ‘yun ni Mo Twister” ang sagot ni Richard.

Mapapanatag si Annabelle Rama dahil kompleto ang injection ng anak, okay ang medical test at lahat-lahat na kailangan niya.

Si Rico Gutierrez na ang director ng buong season at kasabay siguro silang aalis ni Richard para i-survey ang location at i-test ang challenges na gagawin. Nagbigay ng clues ang actor sa castaways, may athlete, may comedienne, at marami pang iba. Mas marami raw twists sa SP ngayon, kaya abangan.

Alam ni Richard kung saan patungo ang tanong kung sino ang mami-miss niya at inamin namang may dini-date siya. Ang hindi kinumpirma ay kung ito ang girl na taga-Cebu at student sa Big Foot.

 ‘Astig’ ang nasabi ni Richard nang malamang into triathlon na rin si Jennylyn Mercado na isa pala siya sa nag-encourage na i-try ang sports. 

Show comments