Dahil sa dikta ng non-showbiz na mapapangasawa, aktres bilang na ang araw sa TV

Bilang na ang araw ng isang aktres sa TV show na kanyang kinabibilangan. Malapit nang magpaalam ang aktres sa show dahil magpapa­kasal na sila ng kanyang non-showbiz boyfriend.

Ayaw sana ng aktres na iwanan ang programa pero wala siyang choice dahil ‘yon ang kagustuhan ng kanyang soon-to-be husband. Hindi mami-miss ng televiewers ang aktres dahil mapapanood pa rin ito sa kanyang daily TV show sa isang major TV network.

Kasalang Roman at Shalani sa fav resto nila ang announcement

Nalaman ko na ang Cafe Juanita sa Pasig City ang favorite restaurant nina Congressman Roman Romulo at Shalani Soledad kaya hindi ako nagtaka nang marinig ko ang balita na ang Cafe Juanita ang napipisil nila na venue ng announcement ng kanilang kasal.

Nagkausap na kami ni Shalani sa telepono pero hindi pa malinaw sa akin ang history ng love affair nila ni Roman. Kailangan na magkita kami ng personal para klaro ang kuwento at para makita ko ang engagement ring na ibinigay sa kanya ni Roman. Titingnan ko kung malaki ang bato ng singsing or else...

Finalists at winner ng AI nasa bansa na!

Naririto na sa bansa ang finalists at winner ng American Idol Season 10 dahil may concert sila sa Araneta Coliseum sa September 20 at September 21. Panoorin ninyo ngayong hapon ang Startalk para sa exclusive interview ni Papa Ricky Lo sa  American Idol singers.

Matagal-tagal ang pamamalagi ng mga bagets sa ating bansa kaya may chance sila na makapag­libot at makapamasyal. Maraming fans ang AI Season 10 singers kaya malakas ang benta ng kanilang concert tickets.

Richard bihira nang makapanood ng TV

Bihira nang makapanood ng TV si Richard Gutierrez dahil busy ito sa taping ng kanyang documentary show na may kinalaman sa kalikasan at kapaligiran. Nag-advance taping din si Richard para may pondo ang kanyang docu show dahil ang taping ng Survivor Philippines ang aasikasuhin niya.

Imelda at Claire gumanda dahil kay Joanne Quintas

Si Joanne Quintas pala ang resident make up artist ng Protege. Siya ang nagme-make up kina Claire dela Fuente at Imelda Papin, ang mga mentor ng Protege.

Alam ko na ngayon ang sikreto ng blooming look nina Claire at Imelda. Isang Joanne Quintas pala ang makapagrere-invent ng kanilang mga itsura. Dahil sa husay ni Joanne, nagawa niya na mabago ang mga itsura ng mga veteran female singer na pilit na ginagawan ng intriga at pinagsasabong, kese­hodang matagal nang walang jukebox!

                                                              

Show comments