^

PSN Showbiz

Miss World gagamit ng interpreter!

SHOWBIZ DRIBBLE - Salve V. Asis -

Sa Linggo na pala mapapanood ang coronation night ng Miss World Philippines   sa GMA 7, 10:00 p.m.

Gaganapin ito sa Philippine International Convention Center (PICC) Plenary Hall.

Twenty five finalists ang magla­laban-laban para sa isang korona. Dumating pa ng bansa ang Miss World Organization president na si Stephen Douglas galing London para i-witness ang ground-breaking event. Ang reigning Miss World na si Alexandria Mills ang personal na magko-korona sa mananalo sa Linggo. Yup, nasa bansa na naman ang reigning Miss World. Pangalawang punta na niya sa ‘Pinas.

Sina Dingdong Dantes, Carla Abellana at Isabelle Daza ang magiging hosts ng coronation night at magpi-perform sina Mark Bautista at Aljur Abrenica.

Ang mananalo ng korona ay tatanggap ng condominium unit sa Sea Residences ng SMDC at P1 million cash prize.

May ilang contestant sa Miss World Philippines ang galing na sa ibang beauty pageant. Pero hindi worried si Ms. Cory Quirino, ang may hawak sa bansa ng franchise ng nasabing beauty contest. Ang katuwiran niya, bukas ang contest sa mga gustong sumali kaya walang problema sa kanila.

Nabanggit din sa ginanap na presscon kahapon na gagamit sila ng interpreter. Yup, kahit sa coronation night kung may contestant na magri-request ng interpreter, magpo-provide ang organizer.

At ang mananalo ay magbibitbit din ng interpreter sa London.

Naging issue kasi lately ang nangyari kay Shamcey Supsup na 3rd runner-up sa katatapos na Miss Universe. May mga nagsabi na kung gumamit siya ng interpreter ay baka mas tumaas ang rank niya at nakapag-isip pa ng isasagot. Ganito rin ang naging issue noon kay Venus Raj.

So abangan natin kung sino ang mananalo sa Linggo at kung ano ang magiging kapalaran niya sa Miss World na gaganapin sa London ngayong taon.

P-Noy NR sa kasalang Roman at Shalani

No reaction pala si Presidente Noynoy Aquino sa maingay na engagement ng ex-girlfriend niyang si Shalani Soledad kay Pasig Rep. Roman Romulo. “Oh, I was not aware,” say daw ng presidente sa Malacañang interview kahapon kay Presidential spokesperson Edwin Lacierda.

“There was no reaction. I don’t know if you could describe that as ignoring but we went straight to the topic at hand,” sabi pa kahapon ni Lacierda.

Budoy aariba na

  Balik-TV si Gerald Anderson sa pinaka-unang advocacy serye ng ABS-CBN bilang si Budoy, ang batang nagdurusa sa pagkakaroon ng Angel Syndrome na nagpapabagal sa pagkakahubog ng kaisipan ng isang bata.  

Unang nakilala si Ge-rald sa kanyang pagka­kabilang sa sikat na reality TV show na Pinoy Big Brother: Teen Edition pero mas nakilala siya sa teleseryeng Sana Maulit Muli, My Girl, Tayong Dalawa, at Kung Tayo’y Magkakalayo.

Sa kanyang pagbabalik primetime, sasamahan siya ni Jessy Mendiola at ni Enrique Gil na sumisikat bilang bagong heartthrob.     

Ang advocacy serye rin ang hudyat ng pagbabalik ni Janice de Belen sa Kapamilya Network.

vuukle comment

ALEXANDRIA MILLS

ALJUR ABRENICA

ANGEL SYNDROME

BUDOY

CARLA ABELLANA

CORY QUIRINO

DINGDONG DANTES

MISS WORLD

MISS WORLD PHILIPPINES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with