Matagal na lihim nabuking, Lovi patay na patay kay Jericho

Inalam namin kay Leo Dominguez, manager ni Lovi Poe, kung totoong hindi na sa pelikulang Yesterday, Today & Tomorrow kasama ang aktres dahil inilipat ng Regal Entertainment, Inc. sa Hototay, isa pa sa mga entries ng film company sa 2011 Metro Manila Film Festival (MMFF).

Hindi “oo” at “hindi” ang sagot ni Leo kundi “Hindi papayag si Lovi. Super crush niya si Jericho (Rosales).” Nalaman tuloy namin ang matagal na sikreto ng dalaga na type niya ang aktor at tuwang-tuwa na makakasama niya ito sa Yesterday, Today & Tomorrow kaya ang nabanggit na pelikula ang mas pipiliin kesa Hototay.

Wala pang formal announcement ang Regal kung saang pelikula talaga ilalagay si Lovi pero malaking dahilan din bukod kay Jericho kung bakit mas pipiliin niya ang Yesterday…, ay dahil makakasama rin niya sina Maricel Soriano at Gabby Concepcion na favorite nito.

Ang iba pa sa cast ng Yesterday…, ay sina Carla Abellana at Dennis Trillo, kasama ni Lovi sa My Neighbor’s Wife at ang direktor nitong si Jun Lana pa rin ang direktor ng pelikula niya sa MMFF.

Aljur gagawa ng pelikula kasama si Rhian

Totoo palang gagawa ng pelikula sa GMA Films si Aljur Abrenica at hindi lang gawa-gawa para mabura ang isyung hindi tinanggap ng aktor ang Hitman ni Cesar Montano dahil ayaw magkontrabida.

Sa interview kay Bela Padilla para sa successful nitong pagsali sa Asian Supermodel at kung saan, inuwi ang friendship award at napiling media darling, nabanggit na muli silang magkakatrabaho ni Aljur and this time, pelikula naman. Makakasama nila si Rhian Ramos sa wala pang title na pelikula na November na sisimulan ang shooting.

Anyway, may balita ring papasok sa Amaya si Aljur, pero dahil wala pang sinasabi ang GMA Artist Center (GMAAC) at ang mga taga-Amaya, hindi pa makukumpirma kung totoo.

Siyanga pala, this Friday, 5:00 p.m., sa Trinoma Activity Center ang album launch at fans day ni Aljur. Dumating kaya si Kylie Padilla para suportahan siya?

Bela ayaw pang itodo ang pagpapa-sexy

Ending ngayon ng Sisid at nakuwento ni Bela na dapat may eksena siyang naka-two-piece swimsuit, pero hindi pumayag ang GMAAC at pinagsuot siya ng sando. Pabor din naman sa kanya ang paghihigpit ng talent center dahil feeling niya, hindi pa right time for her na maging daring sa TV at sa pelikula man.

“Puwede akong magpa-sexy kung talagang kaila­ngan, pero puwede namang palampasin. Saka, hindi ko sariling show ang Sisid at wala na akong ipapakita sa susunod kung maaga akong magpapa-sexy,” sabi ni Bela.

Bukod sa pelikula nila nina Rhian at Aljur, excited na rin si Bela sa teleser­yeng gagawin sa GMA 7 at pumalakpak pa sa narinig na baka makasama niya si Iza Calzado na isa sa gusto niyang makatrabaho.

Ricky pahinga na sa tension ng Sisid

Balik sa pagiging aktor si Ricky Davao sa drama series na Kung Aagawin Mo ang Langit. Ginagampanan nito ang role ni Delfin Martinez, ang mabait na ama ni Ellery Martinez (Carla Abellana) at siguradong makakapagpahinga siya sa tension na naramdaman niya nang idirehe ang Sisid.

Nabanggit na ni Ricky na kahit nagdidirek siya, hindi pa rin niya iiwan ang pag-aartista dahil magkaiba ang fulfillment na nakukuha niya bilang director and actor. Idagdag pa na less ang trabaho ng artista dahil aarte lang, unlike sa direktor na inaasikaso at pinoproblema lahat ang taping.

Show comments