MANILA, Philippines - Isa sa pinakamatinding pelikula ng 2011 na kumita ng $123 milyon sa buong mundo at naging number one sa unang linggo nito sa Pilipinas, ang Source Code ay ini-release ng C-Interactive Digital Entertainment sa orihinal na kopya nito sa Blu-ray, DVD at VCD. Ang espesyal na pakete nito sa video ay naglalaman ng 93-minute feature film at may bonus pang 41 minuto ng mga aktuwal na panayam sa mga artista, opinion ng mga eksperto sa time travel at iba pa.
Pinangungunahan nina Jake Gyllenhall (Prince of Persia) at Michelle Monaghan (Eagle Eye) ang Source Code ay nagsimula nang magising si army Captain Coller Stevens sa isang tren kaharap si Cristina Warren at nasa katawan ng isang ‘di kilalang lalake para tukuyin ang taong magpapasabog ng kanilang sinasakyan. Nagulantang si Coller nang madiskubre ang sarili na nasa loob ng isang geodesic dome at bahagi pala ng isang eksperimentong magbabalik sa kanya sa huling walong minuto ng kanyang buhay.
Nasa presyong mula Php275 hanggang Php1,295 ang Source Code sa orihinal na video nito ay mabibili sa lahat ng outlet ng Astrovision, Astroplus, Odyssey Music & Video, O Music & Video, Video City at mga piling sangay ng National Book Store at Fully Booked.