Tanong ni Lea, nagpanalo kay Ms. Angola

Hindi man kinoronahang 2011 Miss Universe si Shamcey Supsup, winner pa rin naman ang dating niya.

Third runner up lang si Shamcey na ikinagulantang ng maraming nanood sa coronation night ng Miss U 2011 (sa live telecast) na ginanap sa Sao Paulo, Brazil.

Si Ms. Angola, Leila Lopes, ang nanalong pina­kamagandang babae sa mundo.

First runner-up si Ms. Ukraine (Olesia Stefanko), second runner up si Priscila Machado ng Brazil, and fourth runner up si Ms. China, Luo Zilin.

Sa limang nakapasok sa Top 5, si Shamcey lang ang English ang sagot sa question and answer portion. Ang dating actress na si Vivica A. Fox ang nabunot niyang nagtanong na kung magpapalit ba siya ng relihiyon para sa kanyang minamahal.

Mabilis ang sagot ni Shamcey : “If I had to change my religious beliefs, I would not marry the person that I love because the first person that I love is God who created me and I have my faith and my principles and this is what makes me who I am. And if that person loves me, he should love my God too.” 

Eh samantalang ang apat niyang kasamang finalist, lahat may interpreter kaya may chance pa nga naman silang mag-isip ng isasagot.

Si Ms. Angola ay si Lea Salonga ang nagtanong : “If you could change one of your personal characteristics, which one would it be and why?”

“Thank God, I’m very well satisfied with the way God created me and I would not change a thing. I consider myself a woman with inner beauty. I have my principles. I have acquired many wonderful principles from my family and I plan to follow this through the rest of my life,” sagot ni Ms. Lopes gamit ang enterpreter. Actually, may sasabihin pa sana siya pero nag-ring na ang bell, senyales na wala nang oras.

Pero hindi naman pala si Lea ang nagsulat ng nasabing tanong sa nanalong Miss U. Klinaro niya ito kahapon mismo sa kanyang Twitter account. “Just so you all know, I didn’t not write my question. All our questions are pre-written and each judge is assigned one. Luck of the draw.” 

Pero napansin n’yo ba, parang ang healthy ni Lea kahapon sa suot niyang itim.

Anyway, nakakahinayang lang na hindi pa talaga nasungkit ni Shamcey ang korona. Pero may kakaiba rin kasing appeal si Ms. Angola.

Sa fan vote, bongga rin ang nakuhang points ni Shamcey pero wala pala ‘yung silbi sa naging decision ng mga judges.

Samantala, peke ang lumabas na sinasabing statement ni Oprah Winfrey tungkol sa naging resulta ng ginanap na Miss U. “This is from Oprah Winfrey on the results of Miss U: I have reservations with the results. If the only basis is the Q and A portion, after having been trimmed down to 5, Ms. Philippines deserved to win. What made her different from the rest is that she had no seconds to rethink of her answer as she had no interpreter to break the ice. The rest had their interpreters and having breaks on seconds to think about their answers. Hands down, Ms. Philippines answered straight to the point.” - Oprah Winfrey via NBC News.

Sa ABS-CBN umano unang lumabas ang nasabing statement ng talk show host. Pero agad nila itong ni­linaw : “Just to clarify : ABS-CBN did NOT tweet that Oprah quote re Miss Universe contest. ABS-CBNChannel2 is NOT an official account of our network.”

Marami na agad nag-react sa nasa­b­ing statement hanggang nadiskubre nila na peke pala.

Masaya na si Shamcey sa pagiging third placer niya. Last year ay pang-apat si Venus Raj.

Teka ang bilis namang naki-ride ng ibang pulitiko sa pagkapanalo ni Shamcey. Kaloka sila.

Ang Malacañang tama lang na mag-congratulate, pero ang ibang wala namang kinalaman, dapat manahimik muna.

Maja kinalimutan ang kalahating milyong utang sa ex-manager!

Hanggang ngayon pala ay may utang pa si Maja Salvador sa kanyang discoverer at ex manager na si Tita Chit Ramos. Almost P500,000 din ha, malaki-laking halaga.

Matagal na raw ito kung tutuusin, pero hanggang ngayon hindi na naalalang bayaran ng young actress na controversial lately.

Commission pa raw ito sa mga dating project na nakuha ni Tita Chit noong hindi pa hawak si Maja ng Star Magic.

Pero sa tuwing ipinaalala raw ito kay Maja noon, ang sinasabi raw ng handler nito, diretso na kay Maja ang mga kinikita nito dahil may nabili na raw itong bahay worth P10 million kaya dito lahat napupunta ang kinikita ng young actress.

Oh well, dapat sigurong ayusin ito ni Maja. Baka ito ang hadlang para tuluyan siyang maging big time.

Imagine, maganda naman ang pelikula niyang Thelma, maganda ang review at word of mouth at Graded A ng Cinema Evaluation Board (CEB) pero hindi tinao sa mga sinehan. Nakakahinayang.

Mas maigi sigurong bayaran niya ang nasabing utang para mas gumaan ang kanyang buhay.

Show comments