MANILA, Philippines - Mas maraming Pilipino sa bansa ang nakatutok pa rin sa ABS-CBN noong Agosto.
Ayon sa Kantar Media, 36 porsiyento ng mga Pilipino ang nanood ng mga programa at kumuha ng balita sa ABS-CBN noong nakaraang buwan.
Tumaas sa 43 porsyento ang bilang ng nanonood sa ABS-CBN pagdating sa primetime o mula 6:00 p.m. hanggang 12 midnight kung kailan pinakamarami ang manonood ng telebisyon. 13 puntos ang lamang ng ABS-CBN kumpara sa 30 porsiyento na nanood sa GMA.
Labing-tatlo sa top 15 pinakapinapanood na programa sa bansa noong nakaraang buwan ay mula sa Kapamilya Network.
Nanguna sa listahan noong Agosto ang multi-awarded at longest running drama anthology sa Asya na MMK (33.7%), sa pangunguna ni ABS-CBN President Charo Santos-Concio bilang host.
Agad itong sinundan ng nangunguna naman tuwing weekday na 100 Days to Heaven (31%) at kakatapos lang ng dekalibreng action-drama series na Minsan Lang Kita Iibigin (30.9%).
Umariba rin ang TV Patrol dahil kinabog nito lahat ng newscasts sa bansa at nakuha ang ikaanim na puwesto sa national rating na 28.6% .
Naging palaban din ang mga bagong pambato ng Kapamilya na My Binondo Girl (28%), Junior Masterchef Pinoy Edition (27.8%), at Maria La Del Barrio (22.6%) sa unang araw ng kanilang pag-ere at mabilis na umakyat sa top 15.
Ang iba pang Kapamilya programs na pasok sa top 15 pinakapinapanood na mga palabas nationwide noong Agosto ay Pilipinas Got Talent (Sunday) (29.5%), Pilipinas Got Talent (Saturday) (28.6%), Guns and Roses (27%), Rated K (26.3%), Mula sa Puso (23.5%), at Junior Masterchef Pinoy Edition: The Appetizer (22.9).
Sa pangkalahatan, panalo pa rin sa bansa ang ABS-CBN sa national TV audience share na 36% laban sa 35% ng GMA.
Kilala ang kumpanyang Kantar Media sa pagbibigay ng datos tungkol sa TV ratings. Bukod sa ABS-CBN, may naka-subscribe rin sa kanilang ibang networks, advertising agencies, at pan-regional networks tulad ng NBN, Sky Cable, J. Romero and Associates, Adformatix, Starcom, OMD, PhD, Mediacom, Mindshare, MEC, Maxus, Universal McCann, Wellmade Manufacturing Corporation, CSM Media Inc., Fox International Channels, Star HK, Discovery, AXN, HBO, MTV, at Sony Pictures Television International.