Siguro kung ang pagpapakita lang ng kabuuan ng kanyang hubad na katawan ang ginawa ni Jake Cuenca para mapansin at mapaiba sa kanyang tatlong kasamahang artista sa pelikulang My Neighbor’s Wife, wagi na siya. Pero hindi lang ang pagpapakita niya ng puwet ang magsisilbing claim to fame and superiority ng Kapamilya actor laban sa kanyang co-actors na pawang mga Kapuso stars – Dennis Trillo, Carla Abellana, at Lovi Poe – kundi ang mahusay niyang pagkakaganap sa kanyang role bilang Bullet, ang asawa na minsan dahil sa kalasingan ay nagtaksil sa kanyang asawa (Carla) nang magkaroon sila ng one-night stand ng asawa (Lovi) ng kanyang best friend na si Aaron (Dennis). Pinagbayaran niya ng malaki ang kasalanang ito.
Nagpakita ng kagalingan sa pag-arte ang apat na major stars. In fairness to Carla na siyang pinakabago sa tatlo, hindi siya napag-iwanan ng kanyang mga kasamahan sa larangan ng pag-arte. Nagawa niyang makipagsabayan sa kanila at bukod sa kanyang acting ay hinangaan din ang kanyang fashion sense. Para siyang gumagalaw na katalogo ng damit sa kanyang wardrobe na obviously ay sarili niya at hindi provided ng production.
Mahusay na naikuwento ni Jun Lana ang pelikula na kahit sa kasimplehan ng abot ng aking pag-iisip at pang-unawa sa marriage, akala ko ang mga ganitong wife/husband swapping ay nagaganap lamang sa ibang lahi pero marami na rin palang kaso rito sa atin. Mas hinangaan ko si Dennis dahil tinanggap niya ang kanyang role na akala mo ay bidang-bida na pero may pagka-kontrabida pala.
Kalulugdan ng mga manonood si Dimples Romana dahil palagi siyang nang-aagaw ng eksena kay Carla. Hindi ka naman magagalit sa kanya dahil maganda ang karakter na naibigay sa kanya para gampanan. At nagawa niyang maitawid ng maganda ang portrayal ng kanyang role.
Ang galing-galing na talaga ni Lovi. Mina-mani na lamang niya ang pag-arte. At talagang napaka-sexy niya. Ewan ko kung kasing galing din na magagampanan ng ibang artistang babae ang kanyang role kung sa kanila ’yun napunta.
Pag-amin ni Andi wa epek kay Albie
Kahit pinangalanan na ni Andi Eigenmann si Albie Casiño bilang ama ng kanyang ipinagbubuntis, wala pa ring pag-amin na nagmumula kay Albie. Patuloy ito sa matahimik niyang pagganap ng kanyang mga gawain bilang artista. Masuwerte namang tila hindi siya naaapektuhan ng mga kaganapan sa kanyang buhay.
Patuloy siyang binibigyan ng trabaho ng ABS-CBN, like last Saturday, ginampanan niya ang major character sa Wansapanataym, ’yun nga lang nawala siya sa pakikipag-love team sa mga kaedad niyang artista. Dahilan na rin sa pagkakaugnay niya sa isyu ay nag-mature siya before his time.
Neil Coleta bumibilis ang career
Pero kung hinahanap pa ni Albie ang kanyang rightful place in showbiz, parang maaga naman itong nakita ni Neil Coleta. Kung dati ay sa 100 Days to Heaven lamang siya napapanood, at ewan ko kung bakit hindi pa sinisimulan ang pagpapareha sa kanila ni Emmanuel Vera, nagbago ba ang isip ng Dos sa planong pagla-love team sa kanila? Pero isinama na rin siya sa Growing Up, isang pam-bagets na show na nagtatampok kina Kathryn Bernardo at Julia Montes na bagay sa isang bagets na tulad niya.
Kuntento si Neil sa ginagawang pagpapatakbo ng Star Magic ng career niya. Hindi naman siya nagmamadali at bukod sa kanyang pag-aartista ay patuloy ang pagdami ng endorsement niya.
Stars For a Cause
Magsasama-sama ang mga natatanging bituin para sa isang makabuluhang pagtatanghal ng Philippine Movie Press Club (PMPC), sa pinamagatang Stars For a Cause, sa ika-18 ng Setyembre, 1:00-6:00 p.m., sa Event Center, 3rd Floor ng SM City, North EDSA.
Magbibigay ng kasiyahan ang mga sikat na personalidad tulad nina Sam Milby, Jolina Magdangal, Wendell Ramos, Snooky Serna, Rayver Cruz, Marie Digby, Gerald Santos, Edgar Allan Guzman, Rodjun Cruz, Sabrina, Derrick Monasterio, Jan Miguel, Faith Cuneta, Wonder Gays, Lucky Mercado, Kristoffer Martin, Hiro Magalona, Kim Komatsu, Teejay Marquez, Gabby Garcia, Benjamin de Guzman, DJ Joph, German Moreno, Jake Vargas, Rhen Escano, Lance Raymundo, Sofia Halabi, Nvoyz, John Mc Earl, Mark Alain, and many more.