Matteo hindi artista ang dapat maging GF

Tama lang na mag-sorry si Matteo Guidicelli kay Coco Martin hindi lamang sa nangyaring pisikal na pag-aaway nila kundi sa naramdaman niyang selos sa closeness nina Coco at girlfriend niyang si Maja Salvador. Hindi nga naman siya sanay sa showbiz and I’m sure may mahalagang leksiyon siyang natutunan sa mga nangyari. Pero hindi rin ako naniniwala na masasanay siyang makitang nakikipaghalikan o love scene si Maja Salvador sa mga projects nito. Baka he’s the type na kailangang hindi artista ang girlfriend dahil palagi lang nilang pag-aawayan ang mga roles nito. Pero paano nga kaya?

It will take him long to adjust to having an artista for a girlfriend. Sino ang magsasakripisyo para magtagal ang relasyon nila?

Bela naging pride ng Kapuso

Asia Super Model 2011 pala ang sinalihan ni Bela Padilla sa China at hindi Super Model of the World. In any case, congratulations are in order dahil nakapag-uwi naman siya ng dalawang special awards, ang media’s darling award at ang international friendship award.

Ilang taon nang nagpapadala ng mga Kapuso artists bilang representatives sa paligsahang ito pero ngayon lamang may nag-uwi ng award na ganito. Congrats, Bela!

Mercedes nasa mainstream

Bata pa pala si Mercedes Cabral? Nadala ako sa kanyang role sa Maalaala Mo Kaya (MMK) na kung saan ay gumanap siyang ina ni Martin del Rosario. Nagalingan ako sa kanya pero akala ko talaga ay may edad na siya, until nakita ko ang trailer ng Ligo Na U, Lapit Na Me sa premiere night ng My Neighbor’s Wife. Dun leading lady siya ni Edgar Allan Guzman at bata pa pala siya, pinatanda lamang sa MMK.

Pride pala siya ng mga indie films, isa sa magagaling na na-discover dito. Ngayon nasa mainstream na rin siya. Welcome, Mercedes!

Show comments