^

PSN Showbiz

'Pagkamatay' ng dating beauty queen imbento lang!

PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio -

PIK : Nahihiya na si Michelle Madrigal na pag-usapan ang tungkol sa kanila ni Neil Ethe­ridge.

Itinatanggi nitong nag­-­date sila, at talagang magkaibigan lang naman sila. Madalas silang nagti-tweet sa isa’t isa pero hanggang dun lang ’yun dahil kaibigan lang talaga niya si Neil pati ang ilang kilalang miyembro ng Philippine Azkals.

Abala si Michelle sa promo ng bagong Dramarama sa Hapon ng GMA 7 na Kung Aagawin Mo ang Langit at iniiwasan na nitong pag-usapan ang tungkol sa kanila ng atleta.

Ang alam namin, hindi lang si Neil ang madalas na nakaka-tweet ni Michelle kundi pati ang isa pang Azkals member na si Simon Greatwich.

PAK : Nagulat si Nina Ricci Alagao sa kumalat na balitang namatay siya sa isang car accident sa Cebu.

Kaagad na nakontak ito ng ilang press at nalamang isa na naman itong maling balita na, obviously, imbento na naman ito ng walang magawa.

Nagtataka si Nina Ricci bakit pati siya ay ginagawan ng ganung balita gayung nanahimik lang naman siya sa kanyang trabaho.

Mas pinagkaabalahan ni Nina Ricci ngayon ang mag-make up dahil hindi naman ganun ka-active ang kanyang showbiz career.

BOOM : Itinatanggi ni Rich Asuncion ang isyung nakikipagbalikan sa kanya si Aljur Abrenica. “Hindi, ’no? May Kylie na siya ah!” mabilis na sagot ni Rich nang tanungin namin ito.

Wala na nga silang komunikasyon ni Aljur at mas gusto niyang single na muna ngayon dahil takot siyang magkaroon ng commitment pagkatapos ng huli niyang relasyon.

Mukhang naudlot na rin ang sa kanila ni Ervic Vijandre kaya ini-enjoy na rin niya ang pagiging single.

vuukle comment

ALJUR ABRENICA

ERVIC VIJANDRE

ITINATANGGI

KUNG AAGAWIN MO

MICHELLE

MICHELLE MADRIGAL

NEIL

NEIL ETHE

NINA RICCI

NINA RICCI ALAGAO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with