Pinoy Explorer launch mapapanood sa livestream ng InterAksyon.com

MANILA, Philippines - Ilulunsad na ng TV5 ang pinakamalaking edutainment sa kasaysayan ng Philippine TV at ito na ang pagkakataon ninyong maging bahagi nito. Nga­yong Lunes, Setyembre 12, ang bagong programang Pinoy Explorer tampok si Aga Muhlach bilang host at magkakaroon ng isang grand press launch sa Nido    Science Dis­covery Center sa Mall of Asia. Ang mga kaganapan dito ay puwede ng mapanood ng mga Pinoy sa iba’t ibang parte ng mundo sa www.interaksyon.com/pinoy-explorer-press-launch kung saan ito naka-livestream.

Patuloy na nagunguna ang TV5 sa pagbibigay ng mga makabagong paraan upang mapalapit ang mga tao sa kanilang mga paboritong artista at isa na rito ang livestream coverages nito ng ilang malalaking events. Malinaw at halos walang delay, ang livestream coverage ay nagbibigay ng pagkakataon na makita ng mga fans ang kanilang mga idolo na parang sila ay bahagi na rin ng mga events ng TV5. Mapapanood ang livestream sa www.interaksyon.com, ang online news portal site ng Kapatid Network. 

Kabilang sa mga natunghayan sa livestream ng TV5 ang Pinilakang Tabing, ang special program ng MOWELFUND na ginanap sa Cultural Center of the Philippines bilang selebrasyon sa ika-92 anibersaryo ng pelikulang Pilipino, at ang Yahoo OMG! Awards na ginanap sa Resorts World. Nandoon din ang TV5 upang magbigay ng livestream coverage ng press conference ng pinaka-aabangang pagbalik ng Superstar na si Nora Aunor. Kamakailan lamang ay napanood din ng mga fans ang explosibong launch ng pagsasa-telebisyon ng Ang Utol Kong Hoodlum na kinatatampukan nina JC De Vera and Jasmine Curtis Smith.

Ang Pinoy Explorer ay mapapanood na tuwing Linggo sa TV5 simula Setyembre 18. Maging bahagi ng pinakahihintay na press launch nito at manood sa livestream sa ganap na 6:00 p.m.

Show comments