Tinanong namin si Manny Valera, manager ni Glaiza de Castro kung totoo ang tsikang tatapusin lang ng aktres ang Amaya ng GMA 7 at lilipat na sa TV5. Sagot nito, hindi totoo ang tsismis at wala silang offer mula sa TV5 para kay Glaiza.
Hindi namin alam kung kailan mag-i-expire ang kontrata ni Glaiza sa Channel 7 pero mukhang masaya naman siya sa network at never pang nawalan ng project. Hintayin na lang natin ang mga susunod na mangyayari.
Anyway, dahil taken na sina Marian Rivera at Rochelle Pangilinan (mag-pinsan ang BF nila), kay Glaiza nali-link si Sid Lucero. Nakikitang madalas silang nag-uusap sa taping ng Amaya pero may GF si Sid na member ng General Luna band.
Anyway, excited na si Glaiza sa Sept. 21, opening ng Rakenrol. Finally, mapapanood na ang pelikulang five years tinapos ni Direk Quark Henares. Happy ang dalaga na mapasama sa cast ng movie na tribute sa Pinoy rock and roll music.
Nora ‘binili’ na ng mga commercials
Sa Oct. 3 na ang premiere ng Sa Ngalan ng Ina, ang mini-series ng TV5 na pinagbibidahan ni Nora Aunor sa direction ni Mario O’ Hara at balik-tambalan nila ni Christopher de Leon.
Kaiba sa mga naunang series ng TV5 na nagpa-pilot na uninterrupted dahil hindi nilalagyan ng commercial, ang Sa Ngalan ng Ina ay maraming pumasok na commercials. May isang big company na bumili ng maraming commercial spots, hindi lang sa pilot, kundi sa buong takbo ng mini series na five weeks.
Tiyak na aabangan ito ng mga Noranians at ibang TV viewers na naka-miss sa Superstar at siguradong may mga curious ding makita ang Nora Aunor acting.
Solenn inaabangan na ni Robin
Sa third week ng September pa ang balik ni Solenn Heussaff na nasa France ngayon kasama ang pamilya at si Anne Curtis na GF ng kapatid niyang si Erwan Heussaff. Pagbalik ng dalaga, may pelikulang naghihintay sa kanya at siya ang pinagdi-decide ng manager niyang si Leo Dominguez kung tatanggapin iyon.
Si Solenn ang napipisil na leading lady ni Robin Padilla sa Mr. Wong at dahil co-produced ang movie ng film company at ng Regal Entertainment, Inc. kung saan may exclusive contract si Solenn, walang magiging problema.
Samantala, may contract-signing event si Robin sa Regal para sa co-production deal nila ni Mother Lily Monteverde. Ang daming gustong itanong ng press kay Robin, sana magpaimbita ng press sa pagpirma niya ng kontrata para ma-interview siya.
Direk Dom nang-asar sa mga alagang tweens
Nakausap namin si Direk Dominic Zapata sa shoot niya ng teaser ng Tween Hearts at ibinalitang sa Sept. 20 ang scheduled first taping day niya ng Sundo. By that time, baka nakapili na ang creative staff ng title sa soap nina Dingdong Dantes at Rhian Ramos dahil working title pa lang ang Sundo.
Ayaw mag-spoiler ni Direk Dom sa story ng Sundo at ang sinabi lang ay tungkol ito sa different take on death. Ang peg ng story ay Heart and Soul at Meet Joe Black ni Brad Pitt.
’Katuwa si Direk Dom at nasa pang-asar mode that afternoon. Kung gandang-ganda siya kay Barbie Forteza, may sinabihan naman sa cast ng Tween Hearts na mag-reduce at may biniro pang kamukha ni Pekto. Gulat din ito sa nagtatangkarang bagong cast ng show lalo na si Keith Thompson na at 14 years old ay 6’1” na ang height.