SEEN : Hindi swak ang lip sync ni Bianca Manalo sa Happy Yipee Yehey noong Sabado.
Hindi kasabay ng pagbuka ng bibig ni Bianca ang lyrics ng kanyang kinakanta.
SCENE : Hindi na masyadong kailangan sa Startalk ang segment ni Tim Yap na Plug In.
Alam na ng mga tao ang tweet ng mga artista na ibinabalita niya noong Sabado.
SEEN : Hiyang sa buhay may-asawa si Paolo Contis. Hindi mapigilan ang kanyang pagtaba na obvious sa mga eksena niya sa Futbolilits.
SCENE : Ang PICC Plenary Hall ang venue ng fan conference sa Oct. 28 ng Thai actor na si Mario Maurer.
Ang Penshoppe ang sponsor ng fan conference.
SEEN : Walang masama sa pahayag ni Carla Abellana na hindi niya makakaya na mag-pose sa FHM. Hindi photogenic ang malalaking pata ni Carla na naging kontrobersiyal noong nag-uumpisa pa lamang sa showbiz dahil sa paglabas sa Internet ang kissing photos nila ng kanyang ex-boyfriend na si JC Intal.
SCENE : Pinalalaki ang isyu ng butt exposure ni Jake Cuenca sa My Neighbor’s Wife. Hindi big deal ang pagpapakita ni Jake ng puwet dahil ginawa na niya ito ng live sa mga fashion shows ng Bench sa Araneta Coliseum.
SEEN: Itinakwil ni Francine Prieto ang kanyang kapatid na babae at lalaki na kaaway niya.
SCENE : Nahanap na si Elisa dahil mag-uumpisa ngayong gabi sa ABS-CBN ang Nasaan Ka Elisa? — ang long-delayed TV series ni Melissa Ricks.
Ang Nasaan Ka Elisa? ang Philippine adaptation ng Chilean drama series na Donde Esta Elisa?