Maricel nagparamdam na!

MANILA, Philippines - Matutuwa ang ma­ra­ming fans ni Maricel So­riano kung ma­tu­tu­loy ang nabalitaan na­ming baka makasama siya sa cast ng Yes­ter­day, Today and To­m­or­row, isa sa mga entries ng Regal En­tertainment, Inc. sa Me­tro Manila Film Fes­tival.

Nami-miss na ng kanyang mga tagahanga si Maricel dahil matagal nang hindi napapanood sa pelikula at telebisyon. The last time na napanood siya ay nang mag-guest sa Party Pilipinas sa birthday ng friend ni­yang si Geleen Eugenio.

Isa pang magandang balita sa aktres, ayos na ang relasyon nito sa isang taong ma­la­pit sa kanya na kan­yang nakatampuhan, ka­ya magandang senyales ito.

Derek at angelica sabay lilipat sa TV5

Natawa si Derek Ram­say sa tanong ng press sa launching ng FHM Collections kung alam niyang marami siyang female at bading fans na disappointed da­hil balot na balot siya sa cover?

Para maiba naman ang makikita sa kanya dahil lagi siyang naka-board shorts, sando, at tsinelas na pati ang GF na si Angelica Pa­nga­niban ay nagrereklamo na. Say ng aktor, “I love to dress up and this is a nice way to show the other side of me.”

Samantala, sinagot ni Derek ang kumakalat na isyu na lilipat na rin siya sa TV5 once his contract with ABS-CBN expires. Sabi nito: “Under contract pa ako sa ABS-CBN until February next year. There are offers, but for now, I can’t accept anything. Tingnan natin, basta ako tatapusin ko muna ang contract ko. It is my responsibility to finish my contract.”

Ang tsika pa nga, sa­bay na lilipat sina De­rek at Angelica na for sure may kontrata pa rin sa ABS-CBN, bukod pa sa hindi papayagang lu­mipat.

                          

Show comments