Maricel nagparamdam na!
MANILA, Philippines - Matutuwa ang maraming fans ni Maricel Soriano kung matutuloy ang nabalitaan naming baka makasama siya sa cast ng Yesterday, Today and Tomorrow, isa sa mga entries ng Regal Entertainment, Inc. sa Metro Manila Film Festival.
Nami-miss na ng kanyang mga tagahanga si Maricel dahil matagal nang hindi napapanood sa pelikula at telebisyon. The last time na napanood siya ay nang mag-guest sa Party Pilipinas sa birthday ng friend niyang si Geleen Eugenio.
Isa pang magandang balita sa aktres, ayos na ang relasyon nito sa isang taong malapit sa kanya na kanyang nakatampuhan, kaya magandang senyales ito.
Derek at angelica sabay lilipat sa TV5
Natawa si Derek Ramsay sa tanong ng press sa launching ng FHM Collections kung alam niyang marami siyang female at bading fans na disappointed dahil balot na balot siya sa cover?
Para maiba naman ang makikita sa kanya dahil lagi siyang naka-board shorts, sando, at tsinelas na pati ang GF na si Angelica Panganiban ay nagrereklamo na. Say ng aktor, “I love to dress up and this is a nice way to show the other side of me.”
Samantala, sinagot ni Derek ang kumakalat na isyu na lilipat na rin siya sa TV5 once his contract with ABS-CBN expires. Sabi nito: “Under contract pa ako sa ABS-CBN until February next year. There are offers, but for now, I can’t accept anything. Tingnan natin, basta ako tatapusin ko muna ang contract ko. It is my responsibility to finish my contract.”
Ang tsika pa nga, sabay na lilipat sina Derek at Angelica na for sure may kontrata pa rin sa ABS-CBN, bukod pa sa hindi papayagang lumipat.
- Latest