^

PSN Showbiz

TV host-actress na inuuna pa ang love life gusto nang 'sipain' ng manager

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles -

Malapit nang mawalan ng manager ang isang TV host-actress dahil balak na siyang bitawan ng may hawak sa kanya ngayon. Ang katigasan ng ulo ang rason ng talent manager sa desisyong bitawan si TV host-actress, bukod sa hindi sumusunod sa kanya ay mas inuuna pa nito ang love life.

Ayaw ma-stress ng manager, lalo na kung ang pasaway na alaga lang ang magiging rason. Kesa mamroblema, tsutsugihin na lang niya ang talent na parang gusto na ring mag-asawa, kaya okay lang siguro sa kanya kung wala ng manager.

Kris itinigil na ang pagiging pakialamera sa love life ni P-Noy

Mala-gold dress na gawa ni Jun Escario ang suot ni Kris Aquino sa launching niya bilang endorser ng Olay Total Effects. Ang stylist ng TV host-actress na si Liz Uy ang pumili ng dress na sabi ni Kris, 24 hours ginawa para umabot sa presscon.

Agree si Kris na ang TV commercial (TVC) ng Olay ang pinakamagandang TVC na ginawa niya at umani ng most feedback at dahil ito sa German female director at director of photography na babae rin. Natsika rin nito na ginamit muna niya all over her body ang Olay for three months bilang test at kanyang nagustuhan.

Isa sa mga sinagot na isyu ni Kris ay ang tungkol sa love life ni P-Noy, ang idini-date nito at ang mga nali-link na ang pinakahuli ay si Iza Calzado. Itinanggi na ito ng aktres dahil sa birthday ni Ogie Alcasid lang sila nagkita.

“My brother is single, he’s free to date. Nag-pro­mise akong ’di makikialam kung sino ang dini-date niya. A person deserves an inspiration, mag-pray tayo somebody comes along para he’ll be inspired more at lalo tayong makikinabang,” sabi ni Kris.

Tween Hearts extended din

Uso ang extension ng mga show sa GMA 7 at isa rito ang Tween Hearts na extended up to the first week of January 2012. Kaya tuwang-tuwa ang buong cast at pati na ang staff dahil siguradong may talent fee at suweldo sila hanggang next year.

Good news din na ang Tween Hearts lang ang magtatapos dahil ang sabi, ang new story ay sila rin ang cast, although may mga maaalis at madadag­dag sa cast.

Sa bagong season, ipalalabas ang bagong OBB o Opening Billboard sa direction ni Dominic Zapata gamit ang theme song ng show na Everytime ni Frencheska Farr. Kundi Sept. 18, sa Sept. 25 ito ilo-launch kasama ang 17 cast members ng show.

Sheryl balik-Kapuso

Balik-GMA 7 si Sheryl Cruz after lumabas sa TV5 dahil kasama siya sa cast ng remake ng Ikaw Lang ang Mamahalin. Kasama rin sa cast ang nag-a-active na uling si Tanya Garcia na talent na ng Viva Artist Agency.

Ang love team nina Barbie Forteza at Joshua Dionisio ang bida at tambalan nina Joyce Ching at Kristoffer Martin ang mga bida. 

Rakenrol tuloy na ang showing

Ang Regal Entertainment, Inc. ang magdi-distribute sa Rakenrol na co-produced ng Reality Entertainment ni Dondon Monteverde at Furball Productions ni Direk Quark Henares in cooperation with Post Manila.

Wala nang atrasan ang showing ng Rakenrol sa Sept. 21, mapapanood na finally, ang Hapipaks Band nina Irene (Glaiza de Castro), Odie (Jason Abalos), Junfour (Alwyn Uytingco) at Mo (Ketchup Eusebio).  

vuukle comment

ALWYN UYTINGCO

ANG REGAL ENTERTAINMENT

BARBIE FORTEZA

DIREK QUARK HENARES

DOMINIC ZAPATA

DONDON MONTEVERDE

FRENCHESKA FARR

RAKENROL

TWEEN HEARTS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with