Heart nakipag-meeting sa bossing ng Star Magic

SEEN : Sumobra ang pagiging magalang ni Carla Abellana sa apology text niya sa entertainment columnist na si Mario Bautista. Namumutiktik sa po at opo ang text message ni Carla, malayung-malayo sa walang respeto na e mail niya kay Mario.

SCENE : Ang balita na nagpaparamdam si Heart Evangelista sa ABS-CBN at ang diumano’y pakikipag-meeting niya sa executive ng Star Magic.

SEEN : Ang Thelma shirt na suot kahapon ni Toni Gonzaga sa Happy Yipee Yehey bilang suporta sa pelikula ng kanyang director-boyfriend na si Paul Soriano.

SCENE : Nami-miss na ng Umagang Kay Ganda viewers si Pinky Webb. Ma­ganda ang chemistry nina Pinky at Anthony Taberna, kulang sa sense of humor si Bernadette Sembrano.

SEEN : Binigyan ng standing ovation at pinalakpakan ang Biggest Loser Pinoy Edition sa trade launch ng ABS-CBN kung saan ipinakilala ang kanilang mga bagong programa. Nagulat ang mga advertiser sa malaking ipinayat ng mga contestants.

SCENE : Ipalalabas sa Studio 23 ang The Kitchen Musical, ang international drama series nina Christian Bautista at Karylle.

SEEN : Ang campaign ng Philippine Airlines na iboto si Shamcey Supsup sa online voting ng 2011 Miss Universe. Si Shamcey ang nanalo ng Miss PAL title sa Bb. Pilipinas.

SCENE : Ang report ng Box Office Mojo sa box office gross ng mga pelikula na ipinalabas sa Pilipinas noong August 24 hanggang August 28. Wala sa report ang box office result ng Tween Academy ng GMA Films.

Show comments