MANILA, Philippines - Ang bilis talaga ng panahon. Imagine, sampung taon na pala sa showbiz si Sam Concepcion, mula nang ipakilala siya sa The Lion, The Witch, and The Wardrobe. Kaya naman perfect ang timing ng pinakabagong musical ni Sam na Peter Pan, na produced ng STAGES at Repertory Philippines at mapapanood na mula September 30 hanggang October 30 sa Meralco Theater.
“Ten years na ako sa showbiz,” natutuwang sabi ni Sam. “Nakakatuwa na in celebration of my 10th year, gagawin ko ang Peter Pan na isang stage musical parang full circle.”
First time mapapanood sa buong Asya ang version na ito ng Peter Pan, na isinulat ng Stiles and Drewe at ni Willis Hall. Base pa rin ito sa kuwento ng batang hindi tumanda ni Sir James Barrie.
“Exciting ang Peter Pan dahil bukod sa magandang story at music, marami ring liparan na magaganap,” dagdag pa ni Sam. “Perfect show ito para sa buong pamilya.”
Bukod kay Sam, kasama rin sa cast sina Michael Williams bilang Hook at Tippy Dos Santos (Idol, Shoutout) bilang Wendy. Sina Jaime Del Mundo at Menchu Lauchengco-Yulo ang mga director ng show.
Walang duda na isa sa pinaka-talented na batang artista si Sam. Lumabas na siya sa pelikula (Shake, Rattle, and Roll 9, Cinco, Way Back Home), teleserye (Super Inggo, Walang Kapalit, I Love Betty La Fea, and Good Vibes), concert (I’ll Find Your Heart 1 and 2, front act para kina Miley Cyrus at Taylor Swift), recording (Sam Concepcion, Pop Class), at hosting at performing para sa TV (ASAP Rocks, Shoutout).
“Everything I have learned in my endeavors from the last decade, you will see when you watch Peter Pan,” sabi ni Sam, na talent ng STAGES at Star Magic. “This is one unforgettable show, so I hope everyone will catch this fun, fun show.”
Para sa tickets sa Peter Pan, tumawag sa Ticketworld at 891-9999.
Zombadings nagdagdag ng 13 sinehan
Nadagdag pala ng mga sinehan ang pelikulang Zombadings 1 : Patayin sa Syokot si Remington.
Kaya ngayon napapanood na sa 69 na sinehan sa buong bansa ang nasabing pelikula na bida si Martin Escudero.
“Marami sa mga screening dito sa Manila ay full-house,” impormasyon ni Raymond Lee, producer ng pelikula.
Base sa on-site box-office records, ang Zombadings 1 — na unang sabak sa produksiyon ng all-writer group na Origin8media — ay hindi lang malakas kundi malakas na malakas.
Katunayan nito, noong September 3, umakyat sa mataas na 135% ang ticket sales mula noong September 2. At noong September 2, umakyat na sa 65% ang ticket sales mula noong September 1.
Kung tutuusin, ‘maliit’ na pelikula ang Zombadings 1 na dinidirek ni Jade Castro, kung ikukumpara sa iba pang pelikulang nagbukas noong September 1.