Limang mabibigat na programa mapapanood na sa DZMM teleradyo

MANILA, Philippines - Ang himpilang una sa balita at una sa public ser­vice, una na rin ngayon sa pag-ere ng ABS-CBN cur­rent affairs programs.

Sa pagpapatuloy ng pagdiriwang ng ika-25 anibersaryo ng DZMM, hatid nito ang mas pinaigting pang serbisyo publiko sa pagpapalabas ng mga pinagkakatiwalaang current affairs prog­ram na XXX, Patrol ng Pilipino, Storyline, Krusa­da, at SOCO sa DZMM TeleRadyo (SkyCa­ble Channel 26) si­mu­la ngayong Lunes (Sept. 5). 

Ma­pa­panood ang mga programang ito sa ABS-CBN News and Current Affairs sa DZMM time block tuwing 9:15 p.m., mula Lunes hanggang Biyernes, sa numero unong cable news channel sa bansa. Tu­wing Lunes, dapat abangan ang pambu­buko nina Anthony Taberna, Pinky Webb, at Julius Babao sa iba’t ibang katiwalian sa gobyerno at maging mga pang-aabuso at modus operanding nagaganap sa ating lipunan sa XXX.

Sa Martes naman matutungha­yan ang mga ku­­wen­to sa likod ng mga balita sa ulat ng mga ma­sigasig at matatapang na ABS-CBN repor­ters. Pag­da­ting ng Miyerkules, panoorin naman ang New York Festival silver at bronze meda­list docu program na Storyline tampok ang to­to­o at dibdibang pagsasalaysay ng iba’t ibang per­­sonalidad sa kanilang karanasan at buhay. Sa Huwebes naman, sama­han ang mga tanyag at respetadong ABS-CBN an­chors sa kanilang paninindigan sa mga isyung malapit sa kanilang puso at paniniwala sa Krusada.

Tuwing Biyernes naman tutukan ang mainit na pagtalakay at pagsasadula ng mga krimen kasama ang batikang crime reporter at anchor na si Gus Abelgas sa SOCO.

Bu­nga ng makasaysayang pakikipag­sanib-puwersa ng DZMM at ABS-CBN News and Cur­rent Affairs, ito rin ang unang pagkakataong makapapanood ang mga Pilipino ng current affairs program sa istasyong may teleradyo format.  

Pahayag ni ABS-CBN Manila Radio Division head Peter Musngi, maraming Pilipino ang magbe-be­ne­pisyo sa gabihang pagpapalabas ng mga progra­mang tumatalakay sa mga isyu sa ating bayan. Aba­ngan ang pagdating ng ABS-CBN News and Current Affairs sa DZMM tampok ang limang progra­mang nabanggit simula ngayong gabi (Sept. 5, 9:15 p.m.) sa DZMM TeleRadyo.

Show comments