Boy Abunda pasok na sa Bandila

MANILA, Philippines - “Nagsanib pwersa na ang mga pinagkakatiwalaan. Ang makabayang pagbabalita ng Bandila ay higit na pinalakas at pinalawak at mapapanood na sa mas pinaagang oras. Ang mga award-winning ABS-CBN news anchors na sila Karen Davila, Julius Babao at Ces Orena-Drilon ay sasamahan na ni Boy Abunda sa pagbabandila mula October 3.

“Si Boy ay isang cross-over ar­tist na nahasa sa larangan ng news and current affairs dahil sa kanyang mga programang, Etcetera, Kontrobersyal, Conversations with Boy Abunda at The Bottomline.

“Sa tradisyon ng entertainment news coverage ng SNN dala ni Boy ang maiinit na entertainment news at iba pang natatanging balita sa Bandila.

“Si Bianca Gonzales ay bibigyan ng ibang assignment,” ito ang kabuuang statement ni Mr. Bong Osorio, Head, Corporate Communications ABS-CBN Corporation.

Matagal-tagal ding namayagpag sa ere ang snn na nang magsimula ay sina Boy Abunda at Kris Aquino ang host. Pero kinailangan itong iwan ni Kris nang kumandidato ang kapatid niya na ngayo’y­ presidente na si Noynoy Aquino.

Nagkaroon ng iba’t ibang kapalit si Kris bago naging­ tuluyang permanente si Bianca sa mawawalang programa.

Show comments