^

PSN Showbiz

Aktor binantaan na ang ex-gf na panay pa rin ang pakikialam

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles -

Hindi maintindihan ng isang aktor kung bakit hanggang ngayon, nakikialam pa rin sa kanya ang ex-GF. Five months na silang break, pero nagseselos pa rin ’pag nababalitaang may bagong nali-link sa kanya.

Nag-init ang ulo ng aktor nang mabalitaang pati ang pagsasama niya ng ka-date sa isang showbiz event ay ipinag-react ng ex. Pinakiusapan nito ang manager na kausapin ng handler niya ang handler ng ex na tumigil sa pag-iingay dahil kung hindi, isusumbong niya ito sa management ng network na kanilang kinabibilangan.  

Hindi naging maganda ang break-up ng dalawa, kaya up to now, may galit pa rin sa dibdib ng aktres lalo’t mabilis na nakapag-move on ang aktor.

Napikon nang malamang gustong ibahin ang apelyido ng anak Dennis ibinuking na may dalawang anak sa iba ang mister ni Carlene       

Kampante si Dennis Trillo na nagawa niya ng tama ang karakter ni Raul sa Sinner or Saint dahil galit sa kanya ang tao. Kapag nakikita siya, binabati siya sa sobrang kasamaan ng karakter at ang ibang hindi makapagpigil ay hinahampas siya.

Hanggang Oct. 7 pa ang drama series at ayaw ikuwento ni Dennis ang magiging ending ng kanyang karakter dahil baka mabago pa.

Ayaw pang isipin ni Dennis ang next project niya sa GMA 7 hangga’t hindi tapos ang Sinner or Saint, saka, may My Neighbor’s Wife pa siyang ipino-promote. Natawa ito sa kantiyaw ng press na nasapawan siya ni Jake Cuenca dahil may butt exposure ito sa Regal Entertainment, Inc. movie.

“Hindi ko talaga kayang magpakita ng butt, gagawin ko siguro ’yun sa isang matinding movie, pero malamang hindi pa rin. Nang nag-dubbing ako, nakita ko ang butt ni Jake, sanay na siya roon, ako hindi talaga,” sabi ng Kapuso actor.

Samantala, kinumpirma ni Dennis ang nasulat na hindi siya papayag na palitan ang apelyido ng anak niyang si Calix at isunod sa apelyido ng husband ni Carlene Aguilar na Ocampo.

“Hindi tamang papalitan ang apelyido ng anak ko. Ang birth certificate niya, apelyido ko, hindi talaga ako papayag kahit ano’ng mangyari. Ang alam ko, may dalawa pang anak ang husband ni Carlene, iyon na lang ang asikasuhin niya bago angkinin ang anak ko,” sabi ni Dennis.

Castaways nagiging source ng mga bagong kasali

Kahit anong paghihigpit, nagli-leak pa rin sa media ang ilang castaways ng Season 4 ng Survivor Philippines dahil minsan, castaway na rin ang source.

Gaya na lamang sa isang pareha na sa sobrang excitement, naikuwento ng isa sa kanila na kasali sila. Parehong letter A ang start ng name nila at pareho silang babae. Ang isa ay host ng isang pang-Saturday talk show at ang kapareha niya ay member ng all-female dance group.

Ang isa namang pareha ay mag-asawa, sa pagsasayaw sumikat si babae at si lalaki ay anak ng isang sikat na TV and movie personality.

Ang isa pang pareha ay ex-couple, may iba ng pamilya si lalaki at si babae ay hiwalay sa second husband, pero nanatili silang magkaibigan, kaya magiging madali sa kanila ang magsama sa Survivor Philippines.

Dranreb Belleza ikakasal na

Birthday ni Divina Valencia nang bumisita kami sa taping ng Sinner or Saint at kuwento ng mga kasama nito, buong araw siyang nagpakain. Ang anak na si Dranreb Belleza pa ang nagdala ng pancit sa set at nakita ng staff ng GMA 7 at tinanong siya kung interesado pang umarte ang anak.

Ang alam ni Divina, gusto pang umarte ni Dranreb, nahihiya lang sa sasabihin ng mga tao. Ibinalita na rin ng aktres na ikinasal si Dranreb noong Aug. 15 sa isang mabait na businesswoman na hindi muna binanggit ang name.

Wala sa hitsura ni Divina na 65 years old na siya dahil malakas pa rin at lume-level ng acting sa mga kasama.

ANAK

CARLENE

CARLENE AGUILAR

DRANREB BELLEZA

NIYA

SIYA

SURVIVOR PHILIPPINES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with