MANILA, Philippines - Baklang-bakla si Toni Gonzaga sa pelikulang Wedding Tayo Wedding Hindi na pinagbibidahan nila ni Eugene Domingo under Star Cinema and OctoArts Films. Actually, mas bida sa pelikula si Toni.
Palabas ang pelikula ngayon sa mga sinehan katapat ang isa pang pelikula ni Eugene Domingo na Zombadings : Patayin sa Syokot si Remington.
Magkaiba naman ang concept ng pelikula although pareho ng genre : comedy.
Graded B ng Cinema Evaluation Board ang Wedding Tayo... at Graded A naman ang Zombadings.
GLORIA DIAZ TANGGAP
ANG DECISION NI ISABELLE
Malapit lang naman ang nilipatang condo ni Isabelle Daza sa bahay ng mom niyang si Gloria Diaz na sinabi niyang sumama ang loob nang mag-decide na siyang mag-solo sa nasabing condo unit.
In fact, nung first week niya na mag-solo, dinadala pa niya sa bahay ng mom niya ang mga maruruming damit para doon palabhan.
Pero ngayon ay bumili na siya ng sariling washing machine para siya na mismo ang maglaba.
Though admitted ni Isabelle na medyo sumama ang loob ng mommy niyang beauty queen dahil umalis siya ng bahay nilang wala ito, accepted na naman daw nito ang decision niya ngayon.
Anyway, pag nakita n’yo si Isabelle, sobrang copycat siya ng kanyang mommy.
Bukod sa magandang takbo ng career sa GMA 7, dumarami na rin ang endorsements niya na ang pinaka-latest ay ang Sophie Paris – na ang bobongga ng mga bags na ibinebenta.
Walang ibang choice ang owners ng Sophie Paris para maging endorser nila kundi ang dalaga. (SVA)