Angelica at Derek dumadalang na ang pagkikita

Marami nang nalampasang intriga ang magkasintahan na sina Angelica Panganiban at Derek Ramsay. Ang bagong isyu ngayon ay nagrereklamo na si Angelica dahil hindi na sila madalas magkasama ni Derek dahil sa kanilang mga trabaho.

“Nami-miss namin ’yung isa’t isa, madalas naman kami mag-usap kaso sa phone na lang pero ganun talaga. Part ng relationship namin ’yun kasi parehas kami ng trabaho, alam namin na ’di hawak ang mga oras namin. Masaya na kami kapag meron na kaming dalawang oras na magkikita kami,” kuwento ni Angelica.

Ayon pa sa aktres ay nakapag-celebrate naman silang dalawa ng kanilang fifth anniversary kamakailan kahit pareho silang busy.

 “Okay naman, nag-dinner kami. Medyo busy din kasi si Derek kasi dalawang movies ’yung ginagawa niya so nag-dinner lang kami then lumabas sandali tapos bumiyahe na rin papuntang La Union.

“Happy kami sa relationship namin. Ito ang masasabi kong pinakamasaya kami sa limang taon na meron kami,” dagdag pa ni Angelica.

Pokwang pinadalhan ng bulaklak ni P-Noy

Katatapos lamang mag-celebrate ni Pokwang ng kanyang birthday. Isang dinner party ang ginanap sa Moomba noong Sabado. Dinaluhan ito ng kanyang mga kapamilya at malalapit na kaibigan sa loob at labas ng showbiz.

Balita namin ay pinadalhan si Pokwang ng isang espesyal na regalo mula sa ating Pa­ngulong Noynoy Aquino. ­

“Mr. president thank you po sa bulaklak. Aalagaan ko ng bongga ’yan. Itatabi ko talaga. Baka liligawan niya ako, agad-agad, pasado naman ako sa mga kapatid,” pagbibiro ng komedyana.

“Baka itong bulaklak na binigay sa akin ni Mr. president para maging daan para makatagpo ako ng katulad niya. Oh? Katulad niya talaga, agad-agad.”

Single pa rin kasi si Pokwang ngayon pero isang foreigner talaga ang gusto niyang makatuluyan pagdating ng tamang panahon.

“Gusto ko pa rin ng foreigner, kailangan mas mayaman siya sa akin. Chos! Importante mamahalin ka, habambuhay mo siya makakasama at rerespetuhin niya ’yung anak ko. Hello? Habambuhay kaming magkasama sa katandaan at gumagapang na kami sa katandaan pero masaya pa rin kami,” paliwanag pa ng komedyante.

Show comments