Anak ni Derek Ramsay sa dating asawa, ipapa-DNA test

SEEN: Ang manager ni Sam Milby na si Erick Raymundo ang isa sa mga napipisil ni Jay-R upang maging manager niya. 

Hindi inaamin ni Jay-R na may misunderstanding sila sa pera ng kanyang ex-manager na si Arnold Vegafria kaya naghahanap siya ng ibang manager.

SCENE: May pagbabago sa playdate ng Rakenrol dahil ipalalabas ito sa mga sinehan sa Sept. 21, hindi na Sept. 7.

SEEN: Si KC Montero ang host ng 16th birthday party ni Gianna Revilla sa Palms, Ayala Alabang noong Sabado ng gabi. 

Anak nina Sen. Bong Revilla, Jr. at Congresswoman Lani Mercado si Gianna.

SCENE: Bading ang role ni Mel Martinez sa Iglot. Bading din ang papel na ginampanan niya sa Mga Nagbabagang Bulaklak. Parehong na-typecast sa mga gay roles sina Roderick Paulate at Mel.

SEEN: Sasailalim sa DNA test ang bata na diumano’y anak ni Derek Ramsay upang mapatunayan kung ang aktor ang kanyang biological father.

SCENE: Ang never surrender tweet ni Hayden Kho, Jr. na hindi matanggap ang pagbawi ng kanyang medical license: I AM still DR. Hayden Kho, Jr. No one can take my knowledge, my skills, and my diploma away from me. Will be back soon.

Show comments