MANILA, Philippines - Tutuparin ng inyong mga paboritong Kapamilya Supahstars na sina Gary Valenciano, ZsaZsa Padilla, Sarah Geronimo, Vina Morales, Shaina Magdayao, Luis Manzano, Kim Chiu, Toni Gonzaga, at Sam Milby ang inyong dream performances ngayong Linggo (Agosto 28) sa ASAP Rocks.
Ang mga teen idols na sina Julia Montes at Kathryn Bernardo kasama ang buong cast ng Growing Up, na sina Daniel Padilla, Diego Loyzaga, Neil Coleta, EJ Jallorina, Yen Santos, at Kiray Celis ay maghahandog ng isang nakakatuwa’t nakaka-excite na number.
Mangarap muli ng isang happy ending sa performance ng cast ng Wedding Tayo, Wedding Hindi na sina Toni Gonzaga, Zanjoe Marudo, Wendell Ramos, at Eugene Domingo.
Huwag palampasin ang kapana-panabik na birthday celebration ni Nikki Gil at ang kanyang handog na special number kasabay nang kakaibang birthday celebration ng big dreamer at child wonder na si Zaijian Jaranilla kasama ang kiddie Kapamilya sensations na sina Xyriel Manabat, Bugoy Cariño, Timothy Chan, Luis Abuel, Barbie Sabino, Clarence Delgado, Izzy Canillo, at Mutya.
Kakaibang sorpresa naman ang hatid ng mga Kapamilya stars na sina Maria Aragon, JM de Guzman, Aiza Seguerra, Zia Quizon, Robin Nievera, Richard Poon, Juris Fernandez, Jed Madela, Erik Santos, Yeng Constantino, Alex Castro, Jem Cubil, Bryan Termulo, Markki Stroem, at Indonesian sensation Calvin Jeremy.