Pacman bubuntutan ng kanyang programa!
Hindi mami-miss ng mga televiewers ang Manny Many Prizes, kahit may mahaba na boxing training si Congressman Manny Pacquiao para sa laban nila ni Juan Manuel Marquez.
Tuluy-tuloy ang pag-apir ni Ninong Manny sa kanyang show dahil kung nasaan man siya, doon din idaraos ang game show niya. Halimbawa, kung sa Baguio City ang training ni Ninong, live na mapapanood mula sa Baguio City ang Manny Many Prizes. Kapag lumipad na si Ninong sa Amerika dahil sa laban nila ni Marquez, pupunta rin sa US of A ang mga co-hosts at production staff ng Manny Many Prizes dahil doon sila mamimigay ng limpak-limpak na papremyo. Dahil Amerika ’yun, dollars ang ipamimigay na premyo ng sosyal na game show ni Ninong.
Ikinuwento ko na kahapon na affected ng promo tour kick off ng Pacquiao-Marquez fight ang Startalk sa susunod na Sabado. Walang pahinga si Ninong sa Sept. 3 dahil pagkatapos ng promo tour sa SM Mall of Asia, tutuloy siya sa Quirino Grandstand dahil dito gagawin ang live telecast ng Manny Many Prizes.
Dinarayo ng mga tao ang game show ni Ninong dahil kahit walang nananalo ng jackpot prize, ipinamimigay pa rin niya ang kadatungan na pinipilahan ng ating mga mahihirap na kababayan.
Contestants parang Nora Aunor ang kuwento ng buhay
Sampu pala ang mentors ng Protégé, ang star-studded singing competition ng GMA 7. Ang mga kilalang singers ang mga mentors ng mga contestants at sila ay sina Janno Gibbs, Jaya, Jay-R, Rachelle Ann Go, Gloc-9, Imelda Papin, Claire dela Fuente, Aiza Seguerra, Rey Valera, at Joey Generoso.
Judges naman sina Louie Ocampo, ang direktor na si Bert de Leon at siyempre, si Papa Joey de Leon. Si Ogie Alcasid ang journey host, reality host si Jennylyn Mercado at si Dingdong Dantes ang gala presentor ng Protégé. Kapag sinabi na gala presentor, klaro na si Dingdong ang host ng exciting talent search show na magsisimula sa Sept. 4.
Sinabi ko na exciting ang Protégé dahil naririnig ko ang kuwentuhan ng staff. Nakakaiyak ang mga karanasan ng mga sumali sa audition at ng mga contestants na napili.
Pinakagusto ng staff ang kuwento ng isang teenage girl mula sa Davao City na ubod ng hirap ang buhay pero nagmamay-ari ng golden voice.
Makikilala ang bagets at makikita natin ang kanyang talent sa Protégé. Siya na kaya ang susunod sa mga yapak ni Nora Aunor?
Chuckie mukha pa ring bagets
Hindi agad nakilala ng mga moviegoers si Chuckie Dreyfuss nang ipakita ang eksena nito sa Tween Academy: Class of 2012. Si Chuckie ang gumanap na tatay ni Joyce Ching sa unang pelikula ng mga tween stars at in fairness sa kanya, bagets-looking pa siya.
Baka ang appearance ni Chuckie sa Tween Academy ang maging simula ng pagtanggap niya ng father roles. Nagsimula si Chuckie sa showbiz bilang child star at naging member siya ng That’s Entertainment.
Hindi tinalikuran ni Chuckie ang showbiz dahil nagtrabaho siya sa likod ng mga kamera. Naging musical composer siya ng mga shows ng ABS-CBN at ngayong lumabas na uli siya sa pelikula, asahan natin na magiging active na uli sa pag-arte ang ex-child actor.
Rap at Renz tengga pa ABS-CBN
Matagal nang pumirma ng kontrata sa ABS-CBN ang magkapatid na Rap at Renz Fernandez.
Ako ang tinatanong kanilang fans tungkol sa magiging programa nila sa Kapamilya Network pero wala akong maisagot dahil hindi pa kami nagkakausap nang masinsinan ni Lorna Tolentino.
Hindi ko pa inaabala si LT dahil hinahayaan ko siya na i-enjoy ang kanyang beauty rest. Matagal na hinintay ni LT ang kanyang grand vacation dahil hindi biro ang pagod niya sa tapings ng Minsan Lang Kita Iibigin.
Contract stars ng Star Magic ang magkapatid at si LT ang co-manager. Hindi ako nakikialam sa career ng Fernandez brothers pero nagbibigay ako ng advice kay LT kapag may mga questions siya.
- Latest