Mga banda at tattoo exhibit magpapagalingan sa Dutdutan '11

MANILA, Philippines - Isang two-day exclusive event na magpapakilala sa pinakamagagaling na tattoo artists sa buong mundo ang Dutdutan ’11 (Aug. 26- 27) sa World Trade Center (Halls B & C).

Ngayong taon, ang Dutdutan ’11 presenter na Tribal Gear Phils. ang mag­ha­hatid ng mga special guests tulad ng 51 Fifty na drummer/DJ combo mula sa Las Vegas, USA. Bibisita rin ang international “inker” na si Big Tiny ng Unautho­rized Ink.

Inaasahan sa annual tattoo competition ang laban ng pagalingan ng mga local at international tattoo artists na ang iba ay galing pa sa Los Angeles (USA), France, Singapore, at Malaysia.

Magpi-perform naman ang mga local bands na Valley of Chrome, General Luna, Tanya Markova, Franco, Chicosci, Grin Department, Sinosikat, Maplesyrup, The Breed, Kamikazee, The Wuds, The Dawn, at marami pang iba para kumpletuhin ang masayang tattoo party.

Mabibili ang tiket sa ilang Tribal boutique (P250 at P450). Magsisimula ang programa ng 1 p.m. na aabot hanggang gabi. Para sa iba pang detalye, tingnan ang www.dutdutan.com.ph o ang www.facebook.com/dutdutan.

Show comments