Masisisi ba natin si Sharon Cuneta kung kampihan niya ang kanyang anak na si KC Concepcion sa isyu sa kanila ni Piolo Pascual ngayon? Walang inang hindi makakaramdam ng galit kapag ang boyfriend ng anak niya ay binabale wala ito. Even the fans react to the fact na parang si KC lang ang open sa relasyon nila, pero hindi si Piolo. Eh nakaka-10 buwan na ang relasyon nila! Nagalit nga sila nang hindi nito in-acknowledge si KC na isa sa mga nakatulong para mabuo niya ang album niya. At nagsisimula nang iparamdam ni Mega ang kanyang damdamin sa isyu.
Jolina nakipaglaplapan ng todo kay Marvin kung kailan ikakasal
Marami sa mga nakasabay kong nakapanood ng trailer ng bagong serye ng GMA7 na Iglot ay nagulat, nasorpresa, na makita si Jolina Magdangal na nakikipag-halikan sa kanyang dating ka-loveteam na si Marvin Agustin. Hindi bale sana kung isang simpleng kissing scene lamang ang ginagawa nila pero hindi. Napakasenswal ng eksena kung saan ay talagang hinabol ni Jolens ng halik at yakap ang kanyang dating kapareha. Ibig sabihin ba, pumayag na rin hindi lamang makipag-kissing scene ang malapit nang ikasal na artista tumanggap na rin ng kontrabida role? Sa isang interview, sinabi ni Jolens na kailangan sa istorya ang nasabing eksena. And it was an effort para sa kanila ni Marvin na maging seryoso sa kanilang eksena pero nagawa naman nila. Pagkatapos ng eksena na lamang sila bumigay at nagkatawanan.
Boy Abunda hindi ‘kino-kontra’ ang ina
Napakasayang kausap ni Boy Abunda lalo’t ang mother niyang si Nanay Lucing ang topic. Sinabi nito na madalas na silang magkasama ngayon dahil nagbawas na siya ng load sa trabaho. We saw him one late evening sa SNN at naikuwento niya na he spent the day with his mom who latter in the day went to his neighbors and gave away moon cakes.
May isang mahalagang bagay akong natutunan sa kanya dahil pareho nang nagkakaroon ng lapses sa memorya ang aming mga ina. “Huwag mo nang kontrahin ang mga sinasabi niya, ayunan mo na lang.” Oo nga naman naging mas masaya ang relasyon namin ng nanay ko kapag sinasabi niyang mayaman siya. Na marami siyang pera at bahay. Dati kasi pinagtatalunan pa namin ito, maski na ang pagsasabi niyang 100 years old na siya gayung 89 lamang siya Salamat Boy.